Sitti, naka-SRO agad!
August 13, 2006 | 12:00am
Tumawag sa amin ang taga-Unilever tungkol sa nasulat namin dito sa PSN last week na hindi pa naibibigay ang premyong P500,000 nina Horeb Reb Sibal na under ng Viva Entertainment Agency at Ara Hanesh na grand winner sa Close-Up to Fame 2 na mahigit tatlong linggo na ang nakakalipas since manalo sila.
Bungad paliwanag ng taga-Unilever sa amin ay, "Ms. Reggee, nabasa po namin ang isinulat ninyo about the five hundred thousand pesos prize, nagsumbong po ba sa inyo si Reb?
"Kasi po, under contract sila sa amin as winners and they are entitled to do a commercial for Close-Up at alam naman nila na hindi pa kaagad maibibigay ang cash prize kasi may mga inaayos pang papers, why naman po ganun ang kwento ni Reb?"
Siguro ini-expect nina Reb at Ara na right after i-announce na sila nga ang winners ay iabot na kaagad ang cash prizes.
"Yun nga po, alam po ng winners na hindi kaagad maibibigay ang cash prize kasi nga may contract pa sila sa amin at within the duration of the contract nila makukuha yun. We told them naman to wait and we will give them a call. Paki-clear naman po ang Unilever sa isyung ito, Ms. Reggee. Thanks po," katwiran pa sa amin.
Marami na kaming local concerts na napanood at bilang lang sa mga daliri sa kamay ang pinupuri namin dahil iilan lang naman talaga ang masasabing may "K" mag-show sa singers natin tulad nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Kuh Ledesma, Martin Nievera, at ang nag-iisang Lea Salonga. The rest, so-so lang para sa amin.
Kamakailan lang namin napakinggan ang "Cafe Bossa" album na going platinum na ng baguhang singer na si Sitti ng Warner Music na ngayoy isa na sa host ng Pinoy Dream Academy sa Studio 23 starting August 28.
Okey naman ang album ni Sitti, nakaka-relax at nagulat na lang kami dahil may major concert pala siya sa Music Museum last August 11 entitled Simply-Sitti, An Evening with Bossa at sold-out ang tickets, huh?
Napa-isip kami kung paano nangyari gayung hindi naman gaanong na-promote ang nabanggit na concert at ni wala nga yatang masyadong write-ups tungkol sa kanya?
Out of curiousity, may I watch kami ng show last Friday kesehodang malakas ang ulan at as in nagulat kami dahil jampacked nga ang Music Museum at hindi mga "oldies" ang audience niya, mga bagets na may mga kasamang date.
In fairness, magaling na performer nga si Sitti, masayahin sa stage, nakikipag-interact siya sa audience at gusto siya dahil sinasabayan ang pagkanta niya at maski hindi siya good dancer, na-appreciate namin dahil pinipilit niyang sumayaw maski na paulit-ulit ang steps niya.
Lahat ng kinanta niya, gusto ng tao at nakakabingi ang mga palakpakan, wala kaming nakitang familiar face na taga-showbiz, maliban kay Senator Noynoy Aquino with his beautiful date na gustung-gusto si Sitti.
More than two hours siyang kumakanta at naka-anim na encore siya at may sumigaw ng, "2nd set" at natawa ang simpleng si Sitti dahil sinagot niya ng, "Ha, ha nasanay kayo sa gigs."
Ang ganda ng jazz version niya ng "You Light Up My Life" at "Someones Waiting For You" at iba pa.
May repeat ang concert niya sa September 9 same venue at sold-out na rin ang tickets, kaloka! REGGEE BONOAN
Bungad paliwanag ng taga-Unilever sa amin ay, "Ms. Reggee, nabasa po namin ang isinulat ninyo about the five hundred thousand pesos prize, nagsumbong po ba sa inyo si Reb?
"Kasi po, under contract sila sa amin as winners and they are entitled to do a commercial for Close-Up at alam naman nila na hindi pa kaagad maibibigay ang cash prize kasi may mga inaayos pang papers, why naman po ganun ang kwento ni Reb?"
Siguro ini-expect nina Reb at Ara na right after i-announce na sila nga ang winners ay iabot na kaagad ang cash prizes.
"Yun nga po, alam po ng winners na hindi kaagad maibibigay ang cash prize kasi nga may contract pa sila sa amin at within the duration of the contract nila makukuha yun. We told them naman to wait and we will give them a call. Paki-clear naman po ang Unilever sa isyung ito, Ms. Reggee. Thanks po," katwiran pa sa amin.
Kamakailan lang namin napakinggan ang "Cafe Bossa" album na going platinum na ng baguhang singer na si Sitti ng Warner Music na ngayoy isa na sa host ng Pinoy Dream Academy sa Studio 23 starting August 28.
Okey naman ang album ni Sitti, nakaka-relax at nagulat na lang kami dahil may major concert pala siya sa Music Museum last August 11 entitled Simply-Sitti, An Evening with Bossa at sold-out ang tickets, huh?
Napa-isip kami kung paano nangyari gayung hindi naman gaanong na-promote ang nabanggit na concert at ni wala nga yatang masyadong write-ups tungkol sa kanya?
Out of curiousity, may I watch kami ng show last Friday kesehodang malakas ang ulan at as in nagulat kami dahil jampacked nga ang Music Museum at hindi mga "oldies" ang audience niya, mga bagets na may mga kasamang date.
In fairness, magaling na performer nga si Sitti, masayahin sa stage, nakikipag-interact siya sa audience at gusto siya dahil sinasabayan ang pagkanta niya at maski hindi siya good dancer, na-appreciate namin dahil pinipilit niyang sumayaw maski na paulit-ulit ang steps niya.
Lahat ng kinanta niya, gusto ng tao at nakakabingi ang mga palakpakan, wala kaming nakitang familiar face na taga-showbiz, maliban kay Senator Noynoy Aquino with his beautiful date na gustung-gusto si Sitti.
More than two hours siyang kumakanta at naka-anim na encore siya at may sumigaw ng, "2nd set" at natawa ang simpleng si Sitti dahil sinagot niya ng, "Ha, ha nasanay kayo sa gigs."
Ang ganda ng jazz version niya ng "You Light Up My Life" at "Someones Waiting For You" at iba pa.
May repeat ang concert niya sa September 9 same venue at sold-out na rin ang tickets, kaloka! REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended