Bistado na ang gimik ni aging starlet!
August 12, 2006 | 12:00am
Talagang todo promo sila sa isang documentary na ang pinag-voice nila sa local version ay si Sharon Cuneta. Relevant naman daw yon dahil sa problema ng mundo sa ecology. Pero ano nga ba ang interest ng mga Pinoy sa isang documentary tungkol sa Antartica samantalang dito lang sa Pilipinas, kalbo na ang gubat, puro na landslide dahil doon, sira na ang watershed areas, at matindi rin ang ecological problems.
Isa pa, hindi mahilig ang mga Pilipino sa documentary. Ang dapat sanang ginagawa ni Sharon ay mga commercial movies talaga, dahil yon ang kailangan ng industriya sa ngayon, mga pelikulang kumikita. Hindi rin ngayon lang nangyari na ang isang pelikulang Ingles ay dinub sa Tagalog. Natatandaan ninyo, yong Sommersby ni Richard Gere? Ang naisip kasi nila noon, kung magagawang Tagalog ang sound ng mga pelikulang Ingles, mas lalawak pa ang market noon sa ating bansa. Ginawa na rin ito ng Solar noon sa Marimar, hindi na nga lang kinagat dahil napanood na yon ng mga tao sa tv, at wala namang naiba roon kung di ang mas mahabang dialogue ng asong si Fulgoso.
Magandang development yan sa paningin ng iba, pero kung mauuso yang mga pelikulang Ingles na idina-dub lang sa Tagalog, kagaya ng ginagawa sa mga serye sa tv, lalo nang mabubura ang industriya ng pelikulang Pilipino. Lalong wala nang trabaho ang mga writers, artista, direktor at mga teknikong Pilipino, maliban sa mga sound engineers at mga dubbers na lamang. Nakakatakot na sitwasyon yan, at huwag ninyong sabihin na walang nagbigay ng warning tungkol diyan.
Hindi na talaga masyadong pansin ng mga tao ang awards ng mga pelikula ngayon. Agosto na, marami pang-awards na hindi naisasagawa. May mga awards na hindi natuloy at ni hindi naman hinanap ng mga tao. May nagtanong pa ba kung ano na ang nangyari sa FAMAS?
Iyong Urian na isang credible award giving body, ni hindi na televised ang awards night. Kasalanan din yan ng mga award giving bodies. Masyadong bulgar na ang anomalya at lagayan sa mga awards, at ang mga namumuno mismo, walang ginawang hakbang para linisin ang kanilang samahan. Ang akala nila makakalimutan ng tao ang mga anomalya nila, pero hindi. Wala nang tiwala ang mga tao kaya bagsak na rin ang mga awards na iyan.
Cover up lang daw ang sinasabing pagkabaliw ng isang aging female starlet sa isang guwapo at batam-batang male model. Ang sabi, gimmick lang iyon para maitago ang iba pang mga mas malalang activity ng aging female starlet.
Patuloy pa raw ang aging starlet sa pagpapanggap sa mga customer na bata pa siya, at marami pa rin siyang nabobolang mga foreigner, lalo na ngat pinalalabas niyang sikat siyang artista. Siyempre mas malaking bayad sa "services" niya. ED DE LEON
Isa pa, hindi mahilig ang mga Pilipino sa documentary. Ang dapat sanang ginagawa ni Sharon ay mga commercial movies talaga, dahil yon ang kailangan ng industriya sa ngayon, mga pelikulang kumikita. Hindi rin ngayon lang nangyari na ang isang pelikulang Ingles ay dinub sa Tagalog. Natatandaan ninyo, yong Sommersby ni Richard Gere? Ang naisip kasi nila noon, kung magagawang Tagalog ang sound ng mga pelikulang Ingles, mas lalawak pa ang market noon sa ating bansa. Ginawa na rin ito ng Solar noon sa Marimar, hindi na nga lang kinagat dahil napanood na yon ng mga tao sa tv, at wala namang naiba roon kung di ang mas mahabang dialogue ng asong si Fulgoso.
Magandang development yan sa paningin ng iba, pero kung mauuso yang mga pelikulang Ingles na idina-dub lang sa Tagalog, kagaya ng ginagawa sa mga serye sa tv, lalo nang mabubura ang industriya ng pelikulang Pilipino. Lalong wala nang trabaho ang mga writers, artista, direktor at mga teknikong Pilipino, maliban sa mga sound engineers at mga dubbers na lamang. Nakakatakot na sitwasyon yan, at huwag ninyong sabihin na walang nagbigay ng warning tungkol diyan.
Iyong Urian na isang credible award giving body, ni hindi na televised ang awards night. Kasalanan din yan ng mga award giving bodies. Masyadong bulgar na ang anomalya at lagayan sa mga awards, at ang mga namumuno mismo, walang ginawang hakbang para linisin ang kanilang samahan. Ang akala nila makakalimutan ng tao ang mga anomalya nila, pero hindi. Wala nang tiwala ang mga tao kaya bagsak na rin ang mga awards na iyan.
Patuloy pa raw ang aging starlet sa pagpapanggap sa mga customer na bata pa siya, at marami pa rin siyang nabobolang mga foreigner, lalo na ngat pinalalabas niyang sikat siyang artista. Siyempre mas malaking bayad sa "services" niya. ED DE LEON
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended