Busy din si Bob sa charity. Kahit nung di pa siya artista ay volunteer na siya sa Marilao Sped Center. Dumadaan siya rito tuwing umaga bago pumasok ng trabaho at magbibigay ng exercises sa mga bata at magbibilin ng instructions sa mga teachers.
Kahit nung artista na siya ay binigyan niya ang mga special children sa kanyang bayan sa Marilao ng SpongeBOB Day kapalit ng sakripisyo na ibinigay sa kanya ni Kuya sa PBB.
Binigyan din niya ng Art Therapy Session ang mga bata at nag-medical mission din siya sa Sped.
Spokesperson din siya ng DepEd, ginawaran siya ng Gawad KKK bilang Outstanding Youth of the Philippines. Isa siyang role model na naglilibot sa mga public schools para i-promote ang mga activities kaugnay ng paghirang ng taong ito bilang Education Year.
Pangarap ni Bob na maging isang TV host o mapabilang man lamang sa isang noontime show.
Mayron ding mga ginaganap na Egg Festival o Egg Show para sa promosyon ng egg consumption. Gaya ng Sinuam Festival ng San Jose, Batangas, ang Central Luzon Egg Producers Congress Sa San Fernando, Pampanga, Bantayan Island Egg Festival at ang Philippine Egg Show ng Megamall.
Magkakaron muli ng isang Poultry (The Egg & Chicken Expo 2006) sa Set. 15, 16 at 17 sa SM Megamall.
Inorganisa ito ng National Federation of Egg Producers of the Philippines (NFEPP) at United Broilers Raisers Association (UBRA).
Magkakaron ng eggs & chicken crafts demo, poultry raisers videoke challenge, egg & chicken painting, cooking demo, chicken & egg puppet show, celebrity egg & chicken auction para sa GMA Kapuso Foundation, raffle at cholesterol /bone density checks.
Congrats, Dick. Swerte ka rin dahil magaling din ang naibigay sa iyong ka-partner. VERONICA R. SAMIO