Sa halip na itago yon para huwag nang makasira sa kanilang stars, inilabas pa nila ang kwentong yon, at ipinaamin sa dalawa ang kanilang kasalanan.
Inamin ni Iwa Moto na may kakulitan siya sa set, at medyo unprofessional din.
Inamin ni Jackie Rice na ang problema ay ang kanyang paninigarilyo at ang kanyang pag-inom na hindi yata nagustuhan ng kanilang network dahil hindi bagay sa kanyang image. Eh ano ngayon ang aasahan mo sa image niya lalot siya pa mismo ang nagbulgar doon sa masamang bisyo niya?
Talagang naawa kami doon sa dalawang bata dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Noong aminin nila ang mga bagay na yon sa national television, siniraan na rin nila ang kanilang sarili. Admission of guilt yon eh. Inamin na nila sa fans na hindi nga sila iyong mga kahanga-hangang mga artista. Hindi ba mas mahusay sana kung nasuspinde na rin lang, huwag nang pag-usapan pa yon in public para mabigyan sana ng proteksiyon ang kanilang magandang image?
Noon pang 1975, nagpalabas na ng isang pag-aaral ang information ministry ng Japan na nagsasabing ang mga batang exposed sa mga cartoons na nagpapakita ng karahasan ay malamang maging juvenile delinquents. Kasi nga nakakasanayan nilang makita at parang nagiging normal na sa kanila ang violence.
Sa Japan mismo binawasan nila yan, pero ang mga violent cartoons na gawa sa Japan ay itinatambak at inilalabas sa telebisyon dito sa Pilipinas. Nakakatawa di ba? Ed De Leon