Ikatutuwa ni Ryan na very proud sa kanya si Judy Ann dahil magaling siya sa pelikula at gwapo sa lahat ng eksena. Hindi halatang nagpaturo siya ng right acting sa girlfriend at pati sa dubbing, inalalayan siya nito.
Sa first week ng September na magtatapos ang Sa Piling Mo nila ni Piolo Pascual. Kung malulungkot ang fans nila sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang soap, matutuwa naman ang supporters nila ni Ryan dahil baka matuloy na ang pagsasama nila sa telebisyon.
Hindi naniniwala si Judy Ann na makaka-apekto sa love team nila ni Piolo ang tsikang girlfriend na nito si Rica Peralejo. Tuloy din naman daw ang tambalan nila kahit nakipag-relasyon siya kay Ryan.
"Kung masaya siya sa iba, masaya ako para sa kanya. Kami naman ni Piolo, di nagkukwentuhan ng heart matters. Trabaho lang ang drama namin. Kung totoong sila na ni Rica, good for him," pahayag ni Judy Ann. NITZ MIRALLES