Bagong stars ng Viva, produkto ng toothpaste search
August 9, 2006 | 12:00am
Dalawa sa siyam na ipinakilala ng Viva Artists Agency (VAA) ay matagumpay na produkto ng isang toothpaste search, sina Reb Sibal na siyang grand winner ng Close-Up to Fame 2 at si Vince Saldana, runner up ni Reb.
Parehong 19 years old ang mga gwapong binata na may taas na 510" pero, si Vince ay isa nang Viva Artist nang sumali siya sa toothpaste search. Siya lamang ang nag-convince kay Reb na pumirma na rin ng kontrata sa Viva na siya namang ginawa nito.
Reb gets half of the P1M cash prize, ang kalahati ay napunta sa female counterpart niya na si Ara Hanesh.
Gagamitin ni Reb ang pera para ipagamot ang kanyang ina na may mabigat na karamdaman. Ang matitira rito ay ipambibili niya ng second hand na sasakyan na kailangan niya sa kanyang trabaho.
Hindi nakaabot ng kolehiyo si Reb dahilan sa financial difficulties. Ipinalalagay niya na ang kanyang pananalo ay kasagutan sa kanyang dasal.
Isa namang Guamenian si Vince Saldana na walang naiuwing pera pero ipinagpapasalamat na niya ang exposure na ibinigay sa kanya nang sumali siya sa Close Up to Fame 2.
Anim na taon lamang siya nang magpasyang pumunta ng Guam ang kanyang mga magulang para hanapin ang kanilang kapalaran. Umuwi lamang siya para i-try ang showbiz dito.
Kabilang sa mga Close-Up star-studded roster of endorsers sina Gabby Concepcion, Robin Da Roza, TJ Trinidad, Mariel Rodriguez, John Prats, Karel Marquez at Sam Milby.
Sina Joey Reyes, Dina Bonnevie at Derek Ramsey ang mga naging hurado.
Ang female winner na si Ara Hanesh ay isang nursing grad mula sa Dagupan City.
Sina Agot Isidro at Basil Valdez ang mga tampok sa special music event na magaganap sa Casino Filipino-Tagaytay sa Agosto 12, 9NG. Ang palabas na pinamagatang Memoirs of a Balladeer ay magbabalik sa mga manonood sa nakalipas na panahon sa pamamagitan ng pagkanta nila ng mga popular ballads at memorable hits.
P1,000 at P500 ang halaga ng tiket. Tumawag sa (046) 4131506 loc. 202 o 09178911066.
E-mail: [email protected]
Parehong 19 years old ang mga gwapong binata na may taas na 510" pero, si Vince ay isa nang Viva Artist nang sumali siya sa toothpaste search. Siya lamang ang nag-convince kay Reb na pumirma na rin ng kontrata sa Viva na siya namang ginawa nito.
Reb gets half of the P1M cash prize, ang kalahati ay napunta sa female counterpart niya na si Ara Hanesh.
Gagamitin ni Reb ang pera para ipagamot ang kanyang ina na may mabigat na karamdaman. Ang matitira rito ay ipambibili niya ng second hand na sasakyan na kailangan niya sa kanyang trabaho.
Hindi nakaabot ng kolehiyo si Reb dahilan sa financial difficulties. Ipinalalagay niya na ang kanyang pananalo ay kasagutan sa kanyang dasal.
Isa namang Guamenian si Vince Saldana na walang naiuwing pera pero ipinagpapasalamat na niya ang exposure na ibinigay sa kanya nang sumali siya sa Close Up to Fame 2.
Anim na taon lamang siya nang magpasyang pumunta ng Guam ang kanyang mga magulang para hanapin ang kanilang kapalaran. Umuwi lamang siya para i-try ang showbiz dito.
Kabilang sa mga Close-Up star-studded roster of endorsers sina Gabby Concepcion, Robin Da Roza, TJ Trinidad, Mariel Rodriguez, John Prats, Karel Marquez at Sam Milby.
Sina Joey Reyes, Dina Bonnevie at Derek Ramsey ang mga naging hurado.
Ang female winner na si Ara Hanesh ay isang nursing grad mula sa Dagupan City.
P1,000 at P500 ang halaga ng tiket. Tumawag sa (046) 4131506 loc. 202 o 09178911066.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended