Walang pag-asa kay Rochelle si Reggie

Hindi gaanong kilala ang actor na si Reggie Curly. Kilala lang siyang mataas, maganda ang timbre ng boses at liban doon, wala na. Subalit noong kunin ng Focus E. Inc. para magkontrabida sa Daisy Siete titled Landas sa ika 12 season, unti-unti siyang nakilala. Ipareha ba naman kina Rochelle Pangilinan at Sunshine ng Sexbomb Girls sinong hindi makakakilala sa kanya. Lalo’t masama ang papel na ginagampanan niya sa kwento.

In fairness kay Reggie, magaling siyang magkontrabida. Naasar talaga ang mga fans ng Sexbomb sa kanya, Kaya naman nili-link na si Reggie kina Sunshine at Rochelle.

Sa side ni Sunshine, hindi raw pwedeng mangyari dahil may bf siyang non-showbiz. Matagal na sila at hindi pwedeng ma-develop kaagad siya sa isang kapareha na one season lang. Ganun din si Rochelle na pagod na sa mga manliligaw. Pero rin nakaligtas ang lips ni Rochelle kay Reggie, noong mag-kissing sila.

Magaling mang-asar si Reggie. Kuhang- kuha niya ang dapat ipapel sa Landas. Nagawa niyang pukpukin ng flower vase si Jopay, gayung isa ring babae at bulag pa ang role. Hindi ba trabaho iyan ng isang lalaking walang puso’t apdo na yata? Ayon kay Reggie, sa totoo lang, hirap na hirap siyang gawin ang eksenang yon dahil in real life, hindi siya ganun kasama. — VIR GONZALES

Show comments