^

PSN Showbiz

Young actress, ban sa ‘Eat Bulaga’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Sabay ang showing sa August 16 ng Oh, My Ghost ng OctoArts Films at Kubrador ng MLR Films pero, hindi natatakot si Marvin Agustin dahil magkaiba ang market ng dalawang pelikula at walang dapat ikatakot ang mga producer nito. Nagustuhan niya ang pelikula ni Gina Pareño at tinawagan niya ito para i-congratulate.

Pero, mag-i-enjoy din daw ang manonood sa movie nila ni Rufa Mae Quinto dahil epektibong napagsama ni direk Tony Reyes ang horror at comedy. Ayon kay Marvin, tatawa and at the same time, matatakot ang tao sa OMG na two-in-one movie kung i-describe nito.

Puno ng kuwento si Marvin sa kambal nila ni Tetet Dy na magsi-celebrate ng first birthday sa Aug. 15. Simple but meaningful ang inihanda nilang party na family at close friends lang ang imbitado.

Malalaki na sina Santiago at Sebastian na nakita namin ang picture sa cellphone ng actor. Nagbubugbugan na raw ang mga bagets pag nag-aaway at ayaw palamang ang bawat isa kaya ang pakiusap, kahit bumili ng apartment sa San Francisco, California, dito pa rin gustong palakihin nina Marvin at Tetet ang kambal. Mas gusto nilang i-instill sa mga bata ang Pinoy values at ‘pag nag-college na lang daw nila papupuntahin sa States ang kambal.

Samantala, ayaw sabihin ni Marvin kung mamamatay siya sa I Luv NY dahil sa sakit sa puso. Marami pa raw mangyayari sa five weeks na itatakbo ng soap at gagalitin niya si Polly (Jolina Magdangal) para iwan siya.
* * *
Si Karylle ba ang tinukoy sa blind item na kaya walang ibang regular show sa GMA-7 bukod sa SOP ay dahil frozen delight? May kinalaman daw ang bantang ipu-pull out siya sa Encantadia ng isang close relative dahil hindi pinayagan ni direk Mark Reyes na umalis sa taping for a family reunion dahil may mga eksena pa siyang kukunan.

Nagsumbong daw sa management si direk at ang sagot sa bantang pagpu-pull out kay Karylle ay "i-pull out nila." Wala ngang pull out na nangyari pero, naging daan daw ‘yun para ‘di muna bigyan ng soap ang girlfriend ni Dingdong Dantes.

Kaya lang, kung frozen delight nga si Karylle, bakit may bago siyang show sa QTV 11? Magkasama sila ni Dingdong sa musical-variety show na Party! Party! na malapit nang simulan. Si Rommel Gacho ang director nito at kasama nila si Rhian Ramos at ilang StarStruck talents. Pero, tatanungin pa rin namin ang dalaga ‘pag natiyempuhan namin.
* * *
May nagtsika sa aming ban sa Eat Bulaga ang isang controversial young actress. Hindi nagustuhan ng staff ang attitude nito the last time she guested in the show. Wala itong kagana-gana at ‘di sinunod ang mga ipinagawa sa kanya. Ang ending, nasira ang segment ng show kung saan siya inilagay.

Kaya lang, kasama ang young actress sa pelikulang malapit nang mag-showing at siguradong magpo-promote ito at mga kasama sa EB. Payagan kaya siyang mag-guest sa show o ang ibang cast na lang ang i-accommodate para mag-promote?

Magandang abangan ito’t tiyak na mamomoroblema ang staff dahil very close sa kanila ang producer ng pelikula.
* * *
Exciting na naman ang unang araw ng Captain Barbell this week. Sa pag-i-sleep walk ni Clarisse (Sunshine Dizon), lalabas ang hologram ni General at kakausapin ang alter ego niyang si Ex-O at uutusang patayin si Arell o Teng (Richard Gutierrez).

Sasabihin na sana ni Clarisse kay levi (Patrick Garcia) ang pagsi-seduce sa kanya ng ama nitong si Viel (Richard Gomez) pero, ‘di itinuloy dahil nag-sorry si Viel. Kaso, itutuloy pa rin ni Viel ang masamang tangka sa dalaga at madadatnan ni Levi na naghahalikan ang ama at girlfriend.

CAPTAIN BARBELL

CLARISSE

DAHIL

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

GINA PARE

KARYLLE

MARVIN

VIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with