"Paano, pareho kaming career-oriented. Mas gusto naming makatulong sa bayan kesa unahin ang mga sarili naming pangangailangan o kaligayahan," ani Rufa Mae referring to both their families as "bayan" na nung panahong yun ay kailangang-kailangan ng suporta nila.
"Pero, kung alam ko lang na kung wala si Rudy (Hatfield) ay may tsansa ako sa kanya ay baka nakipag-sapalaran na ako. At the time kasi ay mas nakasentro sa maraming bagay ang aking isip kesa sa aming dalawa," sabi naman ni Marvin during the presscon of their movie together sa Octo-Arts Films na pinamagatang Oh My Ghost, isang horror comedy na nakatakdang mapanood sa Agosto 16.
"Kaga-graduate ko lang nun sa isang culinary school kaya madalas ko siyang ipinagluluto. Paborito niya ang spaghetti na siya palagi ang pinabibili ko ng mga ingredients, taga-luto lang ako," dagdag pa ni Marvin.
"Hindi sana siya mauunahan ni Rudy kung sa halip na daanin niya ako sa talk-talk-talk ay naging mas ma-action siya," kantyaw naman ni Rufa Mae sa kanyang kapareha.
Apat na taon na simula nung huling magkatrabaho ang dalawa, marami nang nagbago.
"Pareho na kaming nag-improve sa aming craft. But what has remained ay ang aming friendship," magkasabay na sabi ng dalawa.
Ngayon, may isa pang dahilan para kayo marahuyong pumasyal sa napakalaking theme park na ito sa pusod ng Roxas Boulevard. Ang mga paborito nyong artista na napapanood nyo lang sa TV ay baka makasakay nyo na sa alin mang rides sa park.
May Ride with the Stars happening dito ngayong buwan ng Agosto. Sa Agosto 13, nasa Star City sina Mike Tan, LJ Reyes, Benj Pacia at Krizzy Jareño; sa August 20, andun din sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi at sa Agosto 27, sina Mark Herras naman at Jennylyn Mercado.
O, palalampasin nyo ba ang tsansa na makita sila ng malapitan at matagal? Magkakaron din sila ng live interview sa Manila Broadcasting Company, sa mga istasyong DZRH, YES-FM at Love Radio. Mayron ding raffle draws, photo-ops at meet and greet sessions sila. Tampok lahat ng stars sa isang mini concert.
Bukas ang Star City mula 4NH tuwing Biyernes at 1NH tuwing Sabado at Linggo. P40 lamang ang entrance at P190 para sa ride all you can tags.
To send votes, text Ex. CQ VOTE DRED and send to 2214 for Globe and Touch Mobile and 2835 for Sun Cellular 2622 for Smart & Talk N Text.
To vote with voting card Ex. CQ VOTE DRED ABCD1234 to 2214 for Globe & Touch Mobile, 2835 for Sun Cellular, 2622 for Smart & Talk n Text. Vote until Dec. 23, 2006.