^

PSN Showbiz

Mas naunang manligaw kay Rufa Mae si Marvin kesa kay Rudy Hatfield!

- Veronica R. Samio -
Sayang at bago pala naging sina Rufa Mae Quinto at Rudy Hatfield ay may maganda nang samahan ang sexy star at ang magaling na aktor na si Marvin Agustin. Pero, sa halip na maging mag-boyfriend ay naging mabuting magkaibigan lamang ang dalawa.

"Paano, pareho kaming career-oriented. Mas gusto naming makatulong sa bayan kesa unahin ang mga sarili naming pangangailangan o kaligayahan," ani Rufa Mae referring to both their families as "bayan" na nung panahong yun ay kailangang-kailangan ng suporta nila.

"Pero, kung alam ko lang na kung wala si Rudy (Hatfield) ay may tsansa ako sa kanya ay baka nakipag-sapalaran na ako. At the time kasi ay mas nakasentro sa maraming bagay ang aking isip kesa sa aming dalawa," sabi naman ni Marvin during the presscon of their movie together sa Octo-Arts Films na pinamagatang Oh My Ghost, isang horror comedy na nakatakdang mapanood sa Agosto 16.

"Kaga-graduate ko lang nun sa isang culinary school kaya madalas ko siyang ipinagluluto. Paborito niya ang spaghetti na siya palagi ang pinabibili ko ng mga ingredients, taga-luto lang ako," dagdag pa ni Marvin.

"Hindi sana siya mauunahan ni Rudy kung sa halip na daanin niya ako sa talk-talk-talk ay naging mas ma-action siya," kantyaw naman ni Rufa Mae sa kanyang kapareha.

Apat na taon na simula nung huling magkatrabaho ang dalawa, marami nang nagbago.

"Pareho na kaming nag-improve sa aming craft. But what has remained ay ang aming friendship," magkasabay na sabi ng dalawa.
* * *
Kapareho ba kayo ng pamilya ko na napaka-dalas pumunta ng Star City, di lamang for its many rides kundi maging sa mga bargains dito?

Ngayon, may isa pang dahilan para kayo marahuyong pumasyal sa napakalaking theme park na ito sa pusod ng Roxas Boulevard. Ang mga paborito n’yong artista na napapanood n’yo lang sa TV ay baka makasakay n’yo na sa alin mang rides sa park.

May Ride with the Stars happening dito ngayong buwan ng Agosto. Sa Agosto 13, nasa Star City sina Mike Tan, LJ Reyes, Benj Pacia at Krizzy Jareño; sa August 20, andun din sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi at sa Agosto 27, sina Mark Herras naman at Jennylyn Mercado.

O, palalampasin n’yo ba ang tsansa na makita sila ng malapitan at matagal? Magkakaro’n din sila ng live interview sa Manila Broadcasting Company, sa mga istasyong DZRH, YES-FM at Love Radio. Mayro’n ding raffle draws, photo-ops at meet and greet sessions sila. Tampok lahat ng stars sa isang mini concert.

Bukas ang Star City mula 4NH tuwing Biyernes at 1NH tuwing Sabado at Linggo. P40 lamang ang entrance at P190 para sa ride all you can tags.
* * *
Isa sa duetong M2 ang kasali at kandidato sa isinasagawang pakontes ng programang Conquest ng IBC 13. Siya si Mildred at baka naman pwede n’yo siyang matulungang manalo dito. Di lamang siya maganda, isa rin siyang mahusay na singer, tulad ng kanyang kapatid na si Maricel.

To send votes, text Ex. CQ VOTE DRED and send to 2214 for Globe and Touch Mobile and 2835 for Sun Cellular 2622 for Smart & Talk N Text.

To vote with voting card Ex. CQ VOTE DRED ABCD1234 to 2214 for Globe & Touch Mobile, 2835 for Sun Cellular, 2622 for Smart & Talk n Text. Vote until Dec. 23, 2006.

vuukle comment

AGOSTO

BENJ PACIA

GLOBE AND TOUCH MOBILE

JENNYLYN MERCADO

KRIZZY JARE

LOVE RADIO

RUFA MAE

STAR CITY

SUN CELLULAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with