Pout lips, hindi bagay kay Pops

Maraming natatanggap ng death threat ngayon si Edu Manzano after nilang ma-raid sa Maharlika Village, Bicutan, Taguig Metro Manila ang house ng nagngangalang Roel Santos.

Pero instead na ma-afraid ang chairman ng Optical Media Board, medyo natatawa siya dahil ang spelling ng name niya, Idu instead na Edu. "Next time sana naman isulat nila ng tama ang pangalan ko," sabi ni Edu in a chance interview the other day.

Isa pang nakakatawa sa trabaho niya, since ma-appoint pala siyang OMB chairman, na-suspend lahat ng life insurance niya. "Sino nga namang insurance company ang hindi matatakot," tatawa-tawang sabi ni Chairman Manzano.

Two weeks after his appointment, terminated lahat ng insurance niya. Parating nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya at ng mga special agent ng OMB dahil sa ginagawa nilang pagri-raid kaya talagang takot siguro ang mga insurance company na magbayad nang magbayad sa kanila sakaling may mangyari sa pagri-raid nila.

Pero ang nakakatakot na kuwento ni Edu ay ‘yung binubuhusan sila ng asido habang nagri-raid. "Ang ginagawa namin, naglalagay kami ng cover na lawanit sa mukha kasi baka nga buhusan kami ng asido sa mukha. Nakakatakot, pero wala naman kaming magagawa, part ‘yun ng trabaho namin," he recalled.

Kaya lang ang sad part ng trabaho ng OMB, P1 million lang ang budget nila for whole year samantalang ang lawak ng coverage ng trabaho nila. Hindi lang mga audio and video products ang puwede nilang I-raid kundi maging ang computer softwares, programs, instructional videos among others ay sakop na nila. Mas wide daw ang coverage ng trabaho ng OMB compared sa naging trabaho noon ng Videogram Regulatory Board na naglalagay noon ng hologram sa mga VCDs and DVDs.

"Sana nga magkaroon kami ng social funds para naman madagdagan ang P1 million na pondo namin," sabi ni Mr. Manzano.

Pero kahit na iisang milyon ang pondo nila, wala silang tigil sa pagri-raid. Sa katunayan, base sa kanilang research, 40% na ang nabawas sa mga nagbebenta sa Quiapo. Sa Metrowalk na talamak ang bentahan ng pirated CDs and DVDs among other video products, nabawasan na according to Chairman Manzano.

Ang dating 40 something na stalls sa Metrowalk, now, 28 stores na lang. At once na mag-expire ang contract ng mga lessor, hindi na sila magri-renew, balita ni Edu.

Pero ang pugad pala ngayon ng pirata ay ang St. Francis Square. Ito raw ang haven ng mga pirates right now. At ito ang tina-target ng OMB at one of these days, sisiguruhin nilang magri-raid sila para mabawasan ang mga pirata sa nasabing lugar.

Ang nakakaloka pang kuwento, minsan pa, para lang maka-raid sila, sasakay sila ng MRT na may dalang sako. At lahat ng station ng MRT, bababa sila para mag-raid. "Ganun. Nakakatawa nga kasi pagbalik namin ng OMB office, para kaming si Sta. Claus na may dala-dalang sako sa likod," kwento pa ni Mr. Manzano.

Anyway, maganda man ang nagawa ni Edu bilang chairman ng OMB wala na sa plano niyang tumakbo uli sa pulitika. Nadala na siya nang tumakbo siyang mayor ng Makati. Naisanla niya ang house niya na last June 2005 lang niya nabayaran sa bangko.

Wala siyang regular show sa kasalukuyan after niyang umalis sa Ok Fine (umalis lang ba o leave?) at kailangan niyang kumita para ma-sustain ang kanyang pagiging OMB Chairman.
* * *
Talk of the town si Pops Fernandez dahil sa kanyang cover sa men’s magazine. "Maganda ang katawan niya, pero bakit ganoon ang lips niya. Obvious na nagpa-inject ng collagen. Ano ba ‘yun, instead na maging maganda, mas naging pangit ang hitsura ng face niya," comment ng isang dating friend ni Pops.

Actually, maraming negative reactions sa nasabing cover ni Pops. Mas maganda pa raw si Pops no’ng hindi pa siya nagpapa-inject ng collagen para maging pout ang lips.

Silang dalawa ni Gretchen Barretto ang sabay na nagpa-inject ng collagen pero say ng mga men, bumagay kay Gretchen kesa kay Pops.

Friends ang dalawa kaya madalas pareho ang kanilang ginagawa.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments