Madalas din siyang kuning sponsor ng mga concert producers sa Guam bukod pa siyempre sa kanyang sariling produksiyon kung saan ay nadala niya sa Guam for concerts sina Gary Valenciano, Kuya Germs, Dessa, Joey Albert, Ivy Violan, Martin Nievera, Apo Hiking Society, Rannie Raymundo, Dulce, Nonoy Zuñiga, Arnel Ignacio, Gabby Concepcion, Robin Padilla, Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, Giselle Sanchez, Jean Garcia, Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Marvin Agustin, Jericho Rosales, ang yumaong si Rico Yan, Amy Perez, Dominic Ochoa, Jolina Magdangal, Mylene Dizon at iba pang mga kilalang showbiz personalities.
Paborito rin siyang kuning ninong ng mga kilalang celebrity couples.
Kamakailan lamang ay dumating sa Maynila si Emelio kasama ang First Lady ng Guam na si Gng. Joann Camacho. Nag-courtesy call sila kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang at nag-guest din sila sa Walang Tulugan show ni Kuya Germs sa GMA-7. Pagkatapos ng guesting nila sa programa ni Kuya Germs ay saka sila tumuloy ng Master Wok sa Podium para naman sa intimate birthday dinner party ng Fil-Am talent na si Heather Manley who turned 15 that day at naging guest din sa programa ni Kuya Germs. Bukod kina Emelio at First Lady Joann Camacho, naroon din ang bestfriend ni Heather sa Guam na si Annie at iba pang mga Guam-based Filipinos tulad nina Thelma Hechanova, Jemuel Luciano (ng Royal Star Productions), ang parents ni Heather na sina Albert at Relly Manley, Florencia Luciano, Fe Ovalles, Andy Padilla at Dianne.
Bukod sa pagiging pangulo at CEO ng National Office Supply sa Guam at Saipan, board member din siya ng Guam International Airport Authority.
Sa kanyang kaarawan sa November 11 ay balak niyang dalhin sa Guam ang Walang Tulugan group na pangungunahan ng master showman na si Kuya Germs. ASTER AMOYO