Ang 1st runner-up ni Maricarl ang pinaka-mataas na karangalan na nakuha ng isang Pinay sa nasabing paligsahan. Last year, 4th runner-up lamang si Miriam Chui, 2002 Mutya ng PilIpinas at Miss Asia Pacific 3rd runner-up.
Si Maricarl ay naging Bb. Pilipinas-International 2001 at nakipag-compete sa 2006 Ms. World sa St. Petersburg, Russia nung Marso na kunsaan ay naging isa lamang ito sa 12 finalists. Naging isa rin to sa 3 nanalo para sa national costume competition.
Si Maricarl ay 29 years old, may isang anak at asawang nagtatrabaho sa Dubai, sa isang kumpanya ng airline.
Ang iba pang nanalo ay sina Mrs Lithuania, 2nd; Mrs. North America, 3rd; Mrs., Ukraine, 4th at Mrs. USA, 5th. VERONICA R. SAMIO