Aminado sina Rufa Mae at Erik na nai-inspire sila sa isat isa. Si Rufa Mae ang nagtuturo ngayon kay Erik sa negosyo. Katunayan, ang kanilang two-day back-to-back concert sa Music Museum sa September 15 & 16 na pinamagatang The Bombshell and The Champ ay silang dalawa ang producer.
Parehong hindi mahilig sa gimik si Erik at Rufa Mae lalupat subsob sila sa trabaho. Pati ang pagiging religious ni Erik ay namana na rin ni Rufa Mae .
Baby ang tawagan nina Rufa Mae at Erik at marami umano silang theme songs - ang "Overjoyed" ni Stevie Wonder, "Crazy For You" ni Madonna at ang sariling awitin ni Erik sa kanyang bagong album, ang "Dahil Ikaw Lang ang Mahal".
Since medyo may pagka-shy pa si Erik sa pictorial, si Rufa Mae rin ang umaalalay sa kanya. Pati ang damit na isusuot nito.
Sina Rufa Mae at Erik ay opisyal na naging mag-on nung June 13 at magdadalawang buwan na silang magkasintahan sa darating na Agosto 13.
Samantala, super busy ngayon ang sexy singer-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa promosyon ng kanyang kauna-unahang pelikula sa bakuran ng OctoArts Films, ang horror-comedy na Oh My Ghost na pinagtatambalan nila ni Marvin Agustin.
Sabagay, hindi man gumawa si Michael V. ng pelikula ay sulit na siya sa kanyang kinikita mula sa kanyang tatlong programa na pawang top-rating.
Ang multi-faceted talent na si Michael V. ay produkto rin ng Eat Bulaga nang siyay sumali noon sa isang rap contest para sa isang sabon pero ang OctoArts ang nag-build-up sa kanya.
<a_amoyo@pimsi.net>