^

PSN Showbiz

Maraming theme songs ang magdyowang Rufa, Erik!

RATED A - Aster Amoyo -
Personal naming nasaksihan ang pagiging extra sweet sa isa’t isa ng bagong magkasintahang Rufa Mae Quinto at Erik Santos sa pictorial ng S Magazine sa studio ni Allen Villalon. Walang alinlangan na talagang nagmamahalan ang dalawa.

Aminado sina Rufa Mae at Erik na nai-inspire sila sa isa’t isa. Si Rufa Mae ang nagtuturo ngayon kay Erik sa negosyo. Katunayan, ang kanilang two-day back-to-back concert sa Music Museum sa September 15 & 16 na pinamagatang The Bombshell and The Champ ay silang dalawa ang producer.  

Parehong hindi mahilig sa gimik si Erik at Rufa Mae lalupa’t subsob sila sa trabaho. Pati ang pagiging religious ni Erik ay namana na rin ni Rufa Mae .

Baby ang tawagan nina Rufa Mae at Erik at marami umano silang theme songs - ang "Overjoyed" ni Stevie Wonder, "Crazy For You" ni Madonna at ang sariling awitin ni Erik sa kanyang bagong album, ang "Dahil Ikaw Lang ang Mahal".

Since medyo may pagka-shy pa si Erik sa pictorial, si Rufa Mae rin ang umaalalay sa kanya. Pati ang damit na isusuot nito.

Sina Rufa Mae at Erik ay opisyal na naging mag-on nung June 13 at magdadalawang buwan na silang magkasintahan sa darating na Agosto 13.

Samantala, super busy ngayon ang sexy singer-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa promosyon ng kanyang kauna-unahang pelikula sa bakuran ng OctoArts Films, ang horror-comedy na Oh My Ghost na pinagtatambalan nila ni Marvin Agustin.
* * *
Nanghihinayang kami na bihirang gumawa ng pelikula ang singer-TV host-comedian na si Michael V.  Nagkakasya na lamang ito sa kanyang mga regular TV shows sa GMA-7, ang long-running gag show na Bubble Gang, co-hosting sa Eat Bulaga at ang kanyang Bitoy’s Funniest Videos tuwing Sabado ng gabi na talagang sinusubaybayan ng mga manonood.

Sabagay, hindi man gumawa si Michael V. ng pelikula ay sulit na siya sa kanyang kinikita mula sa kanyang tatlong programa na pawang top-rating.

Ang multi-faceted talent na si Michael V. ay produkto rin ng Eat Bulaga nang siya’y sumali noon sa isang rap contest para sa isang sabon pero ang OctoArts ang nag-build-up sa kanya.
* * *


<[email protected]>

vuukle comment

ALLEN VILLALON

BOMBSHELL AND THE CHAMP

EAT BULAGA

ERIK

MAE

MICHAEL V

RUFA

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with