Pirated discs, may laman ding shabu!

Naman! Naman! I’m sure, panonood lang ng mga sine sa murang halaga ang habol ng mga taong bumibili ng pirated CDs at DVDs dahil mura ito kumpara sa mga orginal copies. Yun pala, nagtataglay na ang marami nito ng mga ipinagbabawal na gamot. Na gaya ng pinatunayan ng katatapos na raid ng Optical Media Board na pinamumunuan ni Chairman Edu Manzano na kung saan ay nakakuha sila di lamang ng mga pirated tapes na sa loob ng mga pinaglalagyan nitong mga plastic containers ay meron palang mga sachet na may kargang shabu!

Di lang ito! Kasama ng mga pirated discs ay mga pornographic materials, Playstation, X-Box and PC Games, optical disc products, labels & casings, 250 pcs. of 5.56MM ammunitions, hand grenades at iba pang explosives na marahil ay gagamiting panlaban ng mga pirata o smugglers sa mga raiding teams sa bahay ng isang nagngangalang Roel Santos sa Maharlika Village, Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Chairman Edu, natsambahan lamang nila ang mga illegal drugs at explosives, frist time nila itong makita na kasama sa mga kahon ng optical media products.

"Isa itong maliwanag na ebidensya na ang piracy ay related sa mga more dangerous crimes," aniya.

Ang mga ammo at explosives ay nasa pangangalaga na ng PNP Bomb Disposal Unit habang ang mga shabu ay ibinigay sa Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA).
* * *
Sa kabila ng magandang ratings ng programang Isumbong Mo (Tulfo Brothers), na matagumpay na umere ng one season ay ipinasya ng RPN9 na huwag na itong bigyan ng panibagong kontrata. Ito ay sa kabila ng marami nitong nalutas na kasong pampulisya, nakabasag ng mga sindikatong kriminal, nakapaglantad at nakapaghabla ng mga bulok at tiwaling opisyal ng burukrasya, militar at pulisya at nakatulong sa taumbayan sa paghanap ng katarungan.

Ayon sa pinaka-matanda sa magkakapatid na Tulfo, si Ramon na hosts ng programa, may isang malaking personalidad na nagalit nang kalkalin niya ang sapot ng korapsyon sa Bureau of Customs.

"Maling-mali siya kung inaakala niyang mapahihinto niya kaming magkakapatid sa aming krusada laban sa korapsyon at abuso sa kapangyarihan. Nagdagdag lamang siya ng isa pang layunin para ipaglaban ng Isumbong Mo ang kalayaan ng masmidya," anito.
* * *


veronicasamio@philstar.net.ph

Show comments