Sandara, di pa ba huli ang pagpapa-sexy?

Isang malaking sorpresa ang pagpapa-sexy ni Sandara Park sa UNO magazine na pag-aari ng actor na si Diether Ocampo at may nine-page sexy pictorial pa ito sa loob.

Career move daw ‘yon para kay Sandara dahil nga maging ang batang Koreana ay aminadong bumaba ang popularidad niya at minsan nasabi pa niya na "I’m laos na."

Ginawa nga ba niya ito para muling umangat ang career niya?

"Hindi. Ginawa ko ito kasi sabi ng mga friends ko, eh, hindi ako sexy. Nagpa-sexy ako para ipakita sa kanila na sexy ako and for a change, pero promise, last na ito. Hindi na ako magpapa-sexy sa pictorial," sabi ni Krung Krung.

Hindi ba nagalit ang boyfriend niyang si Joseph Bitangcol dito?

"Nagalit siya, pero wala na siyang magawa," natatawa pang sabi niya.

Payag ba naman siyang magpa-sexy din ang bf tulad nang pagpo-pose nito sa X-Ray magazine o gawan ito ng isang coffeetable book?

"Ayoko," mabilis niyang sagot. Kapagkuwan humirit siya uli. "Okey lang sa akin basta may brief siya, ‘yung hindi pinagpipistahan ‘yung bukol niya. Sa movie namin, nagpa-sexy na rin siya. Nagalit nga ako dun kasi lahat ng mga tao, eh, nakatingin sa bukol niya."

Nagulat si Sandy sa naging reaksyon ng mga tao sa sexy pictorial niya. Hindi raw niya sukat akalain na gagawa ‘yon ng ingay at pag-uusapan ‘yon, pero sabi niya sa amin na pinagsisisihan daw niya ang pictorial na ‘yon dahil lumabas ang kanyang buto sa tagiliran.

"Para akong barbecue," natatawa pa niyang sabi.

Tiyak na ooperan siya ng FHM. Tanggapin kaya niya ang alok?

"Last ko na ito. Hindi na ako magpapa-sexy. Wholesome pa rin ako," pagtatapos ni Sandara Park. — BOY ROMERO

Show comments