Nena Tamayo, insekyur kay Jason Gainza!
August 2, 2006 | 12:00am
Nagdededmahan daw sina Nene Tamayo at Jason Gainza! Insekyur daw ang dalagang tubong Romblon sa binatang Batangueño dahil mas marami raw project ito kesa sa kanya, eh runner-up niya lang ito!
Proof: Kasama si Jason sa Sa Piling Mo, Trip at Aalog-Alog. Napapanood lang si Kumander Nene sa Magandang Umaga Bayan at isa ito sa finalist sa You Can Dance. Tinigbak na siya sa Citizen Patrol segment ng TV Patrol.
"Hindi po ako insekyur sa kanya. Sa totoo lang po, masaya ako para kay Kuya Jason dahil natupad na yung dream niyang maging isang artista. Kung marami man siyang project sa Dos, decision yon ng management at magaling naman po talagang magpatawa si Kuya Jason at syempre, pana-panahon lang yan. Kanya-kanyang diskarte at kung talagang may talent ka, magtatagal ka sa showbiz," paliwanag ni Kumander Nene.
Nilinaw din sa amin ni Tamayo na wala ring katotohanan ang pag-iisnaban o dedmahan nila ni Jason. Aminado naman ito na hindi sila gaanong nagkikita, nagkakasama ni Jason dahil magkaiba at hindi naman sila magkasama sa trabaho.
Ang kapwa-housemates din sa PBB na si Say Alonzo ang itinuturing niyang matalik na kaibigan. Pero kung nagkikita naman sila ng binata ay nagkukumustahan-nagkaka-usap din sila. Walang problema sa pagitan nila. BOY ROMERO

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended