At sa Linggo ay panibagong episode na naman ng Love Spell ang mapapanood at bida sina Anne Curtis, Franzen Fajardo, Zanjoe Marudo, Olyn Miemban, Matt Evans at Kathleen Hermosa.
And speaking of Zanjoe, aminado itong malaking challenge sa kanila ang itinalang record nina Gerald at Kim dahil sobrang taas.
"Hoping makaabot naman kami, huwag lang matalo kasi nakakahiya naman sa naunang Love Spell," kaswal na sambit ng binata.
Samantala, inamin ni Zanjoe na talagang hindi na sila nag-uusap pa ng kapwa PBBCE na si Bianca Gonzales dahil umiiwas sa kanya ang nabanggit na tv host at naiintindihan daw niya iyon para na rin sa ikatatahimik ng relasyon nito kay direk Lino Cayetano.
Umamin din ang binata na nag-try siyang i-reach out si Bianca noon thru text, pero hindi raw nagre-reply kayat tinigilan na rin niya.
At nalaman niya, "Na hindi siya tumatanggap ng trabaho kapag kasama ako, kaya wala kaming projects together, okey lang, naiintindihan ko siya,"pagtatapat ni Zanjoe.
"Sayang nga pina-move yung taping namin ng Malaysian soap drama nina Kristine (Hermosa) at Diether (Ocampo), supposedly this August, e, sa October na raw," dagdag pa ng aktor.
"Actually si Sunshine, ilang beses nang nagkontrabida sa Daisy Siete. Marami na nga kaming mga tawag na natatanggap sa office na nagsasabing nagagalit sila kay Sunshine.
"Ngayon naman, natutuwa kaming makatanggap ng mga ganito ring tawag dahil hindi lang si Sunshine kundi pati na rin si Mia. Kinamumuhian siya ng mga televiewers. Patunay lamang kung gaano sila ka- effective na bad girls." REGGEE BONOAN