"Unfair naman `yun," angal ng sexy singer-comedienne sa presscon ng kanyang kauna-unahang pelikula sa bakuran ng OctoArts Films, ang Oh My Ghost na pinagtatambalan nila ni Marvin Agustin mula sa direksiyon ni Tony Y. Reyes.
"Ang buong akala namin ni Erik na makakabuti ang pag-amin namin sa aming totoong relasyon. Pero pinagdududahan pa rin ng iba na kesyo gumigimik lang kami. Bakit naman namin gagawing gimik ang pakikipag-relasyon? As far as I can remember, never pa akong gumimik. Parati kong inaamin kung sino ang nakakarelasyon ko.
"Sana naman maging masaya para sa amin ni Erik ang ibang tao dahil masaya kaming dalawa. Maging ang aming respective families ay masaya para sa amin. Dinamdam at iniyakan ko ang break-up namin ni Rudy (Hatfield). Ngayong may natagpuan na akong muli at masaya ako, dapat lang na maging masaya sila para sa akin," himutok pa nito.
Aminado si Rufa Mae na nasasaktan siya sa negative comments ng ibang tao tungkol sa kanilang relasyon ni Erik. Hindi rin niya ikinakaila na maganda ang influence sa kanya ni Erik. Magmula nang maging sila ay naging mas malapit siya sa Diyos. Religious kasi si Erik at very close sa kanyang pamilya, mga katangian na gustung-gusto niya. Botong-boto rin ang lola niJason sa kanyang bagong kasintahan.
Samantala, ibinalita ni Rufa Mae na magkakaroon sila ng back-to-back concert ni Erik sa Music Museum sa September 15 & 16. Dapat sanay paalis siya patungong US kasama ang Bubble Gang cast pero nag-beg off siya dahil kailangan siya rito sa promo ng Oh My Ghost na showing na sa August 16.
Base sa aming nakita, mukha ngang girlfriend niya ang nasabing girl dahil sweet sila sa isat isa. Nakapag-move on na marahil si JB sa break-up nila ng kanyang ex-co housemate na si Say Alonzo.
Si JB ay nag-celebrate ng kanyang ika-27th birthday nung nakaraang July 6.
Samantala, malapit nang mapapanood si JB kasama sina Bea Alonzo at Ryan Ramos sa Star Magic Presents.
"It made me a better and stronger person," aniya. "Marami akong natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya bukod sa naging kaibigan kong lahat ang mga naging kasamahan ko sa loob ng PBB house."
Kana-nineteen lang ni Jamilla nung nakaraang July 24 at hindi nito ikinakaila na excited siyang makasama si Claudine Barretto sa isang episode ng Star Magic Presents.