Pero ayon sa isang source ng GMA 7 ay mahilig pa rin itong kumain ng tsokolate at nagtatago ito sa set kapag kumakain na malakas magpataba.
Balitang may crush sila sa isat isa ni Antonio Aquitania kung saan itinutukso sila ng mga kasamahang staff sa Hokus Pokus.
Huwag sana itong seryosohin ni Yasmien kundi hanggang crush lang dahil may asawat anak na ang aktor.
Mahal ng Regal Entertainment ang loveteam nina Mark at Jennylyn dahil puro blockbuster ang kanilang mga pelikula gaya ng So Happy Together, Say That You Love Me at ang Blue Moon.
Hindi maipagkakaila na paborito ni Mother Lily si Jennylyn Mercado dahil halos lahat ng pelikula ng Regal ay kasama ito.
Ayon naman kay Mother Lily, kapag kasama ang magka-loveteam sa pelikula ay tiyak na kikita, sila uli ang magkapareha sa Eternity.
"Bakit ka paborito ni Mother Lily?" tanong ko kay Jenny.
"Kasi po hindi ako marunong magreklamo at sumusunod ako kung ano ang gusto niya. Propesyonal din po ako at di nag-iinarte sa set o dumarating ng late. Pinagbubuti ko rin po ang aking trabaho," sey ng magandang aktres.
Gagampanan ni Jennylyn ang papel ni Meagan, ang magiging kasintahan ni Mark (Cholo) sa makabagong panahon ng taong 2006 with Iza Calzado at Dingdong Dantes.
"May pagkakataong naghahalikan pa sila kahit may nakakakitang ibang tao. Dedma lang ang dalawa sa kanilang ginagawa," sey ng aktor.
Maraming ayaw maniwala na pinatulan ang actor-singer ng sikat na aktres dahil karamihan ng nobyo nito ay brusko ang dating.
Samantalang ang singer na ka-on ngayon nito ay pinagdududahan ang gender.