Bettinna Carlos, ipinahiram lang ng GMA sa Studio 23!

Hindi totoong lumipat na si Bettinna Carlos sa ABS-CBN na gaya ng napapabalita, simula nung malaman na isa siya sa tatlong Update hosts ng Pinoy Dream Academy, with JC Cuadrado and Sitti as the other two hosts.

"I’m still with GMA Artists Center," panimula ni Bettinna. "But I’m thankful to Ma’m Ida Henares because she allowed me to audition for Pinoy Dream Academy when I was invited. Dalawang beses ko itong ginawa and nakapasa naman ako.

"I have no regular show naman in GMA na maapektuhan. I can accept projects that my sked in school will allow. (she’s in the second year of her BSComm & Technology course in Ateneo). School is my priority. Ma’m Ida knows this and I informed Studio 23, who is going to do the Updates, of my priorities too.

"I will tape after school for Tuesday and Thursday episodes. Mondays, Thursdays and Saturdays are live and Sundays are free, so there’s no hazzle as far as school is concerned," sabi ni Bettinna who is co-managed by Stages and GMA.

Starting August 28, 6:30 NG, mapapanood na sa Studio 23 ang Pinoy Dream Academy, isa pang reality TV na pansamantalang papalit habang namamahinga ang Pinoy Big Brother.

Ang tatlo n’yong kabarkada, sina Bettinna, JC at Sitti, will dish out the latest, juiciest news about the 16 students who will enter the Pinoy Dream Academy.
* * *
Sayang din ang 5 taon na nakalipas na kung saan ay nag-toned down sa kanyang bar performances si Gladys Guevarra nang ma-diagnose siyang may back ailment at ma-in love siya at naghintay na tuparin ng kanyang nobyong doctor of internal medicine ang pangako nitong pakakasalan siya.

Naghiwalay na sila, kailan lamang kaya ginagamot pa niya ang kanyang broken heart. Mabuti na lamang at marami siyang pinagkakaabalahan kung kaya’t lumilipas ang mga oras na di niya nararamdaman ang hapding dulot ng pangyayari.

Tulad ng paghahanda na ginagawa niya para sa kanyang first major concert na magaganap ngayong Biyernes, August 4, sa Music Museum.

Pinamagatang
Scandalous Gladys, makikita rito si Gladys sa isang erotic dance number na naka-lingerie. Mayro’n din siyang dance number with the G Force at Streetboys. Nung makausap ko siya ay kagagaling lamang niya sa kanyang rehearsal at ipinakita niya ang napakaraming pasa niya sa mga braso na patunay sa mahirap na dance numbers na susuungin niya.

May iba pang bisita si Gladys na tutulong para maipakita niya ang kanyang ibang talino, tulad ni
Dennis Trillo na makaka-duet niya, Teri Onor na makakasama niya sa kanyang mga tib-tickling comic sketches.

Sa dami ng mga gagawin niya sa show,
sinabi ni Gladys na hindi pagkakatuwaan ang naganap sa kanila ng boyfriend niya.

"Ayoko at baka maiyak pa ako," sabi ng komedyana na umaming sa kanya nagsimula ang kanilang paghihiwalay nang i-text niya ang boyfriend niya at sabihin dito na alam na niya ang tungkol dito at sa isa pang girl.

"Kung hindi totoo, nag-explain sana siya pero hindi eh, di confirmed ang paratang ko. When I asked him to leave the house, nakita kong wala na pala siyang gamit, naialis na niya nang di ko namamalayan," may bahid lungkot na kwento ng
The Comic Diva.

Scandalous Gladys is written and directed by Phillip Lazaro. For inquiries, tumawag sa 7216726/7210635 o mag-txt sa 9209522133.
* * *
Disyembre pa nung huling manood ako ng palabas ng Club Mwah na nasa ikatlong palapag ng The Venue Tower sa Boni Ave. Mandaluyong City.

Ang laki-laki na ng improvement, hindi ng lugar sapagkat dati na itong maganda, malinis at mabango kundi ng latest presentation nila ng Bedazzled 6.

Bagaman at may isa akong number na napanood na, I was told na by popular request ang di nila pagtatanggal ng Cell Block Tango dance sequenc e na mula sa hit musical na

Chicago.
Pero, ang lahat ng ibang numbers ay bago.

Yung "Vogue" ni Madonna ay binigyan ng Thai flavor, complete with authentic Thai costumes made of silk, accessories, lahat ay imported from Thailand. Pati na yung mga ginamit para gawin ang Bangkok Temple.

Isang makulay at magandang travelogue ang Bedazzled 6. with African and Korean dances. Sa tulad ko na madalas sa Club Mwah, wala akong nakitang recyled sets, props at lalo na ng costumes. Ito ang sinisiguro ng mag-partner na Pocholo Mallillin, VP and Administrator ng Club Mwah at Cris Nicolas, ang napaka-galang na artistic direftor.

Makita kong nag-i-enjoy sa Club Mwah nang gabing yun si Kuya Germs, kasama ang ilang mga balikbayan na nag-host sa kanyang one month stay sa US.
* * *
Email: veronica@philstar.net.ph

Show comments