Natuklasan din sa lie detector test na totoong mag-on na sila ni LJ Reyes na guest din sa Hokus Pokus at kitang-kita naman kung gaano sila ka-sweet sa isat isa. Laging nakaakbay ito sa magandang aktres at lagi ding nagtititigan.
Hindi niya alam kung kailan niya babatiin si Jenny bastat naroon pa rin ang sakit nang maiugnay ito sa hiwalayan nila ni Jeremy nun.
"Kaya nga ako nag-artista ay dahil gusto kong makapag-ipon ng pera para sa kanya. Gusto kong makakita siyang muli. Sinabi kasi ni Daddy na sana bago siya mamatay ay makita niya ang kagandahan ng paligid," ani Angel.
"Talagang nagpilit si Glaiza na mag-artista dahil gusto niyang kumita at makapag-ipon ng pera para matulungan ang pamilya. Kasi sa Valenzuela kami nakatira at kapag bumabaha ay nahihirapan kaming lumuwas, lalo na kapag may shooting o taping ang aking anak. Ang layo pa ng iniikutan ng aming sasakyan para lang makaiwas sa baha. Gusto ni Glaiza na makabili ng condo na nasa bandang Quezon City para mailipat ang pamilya," anang Mommy Cristy.
Pursigido si Glaiza na mag-ipon at good karma naman ito dahil sunud-sunod ang kanyang proyekto ngayon.
Kagagaling lang ni Marri ng London at magiging abala na ito sa promosyon ng kanyang album.