‘Eternity’, ginastusan talaga ni Mother Lily!

Di na kailangan pang sabihin ni Mother Lily Monteverde ang exact amount na lumalabas na sa bulsa niya para sa pelikula niyang Eternity na nakatakdang mapanood sa Agosto 30. Sapat nang mapanood ang ang trailer ng pelikula para makita kung saan pumunta ang sinasabi niyang napakalaking gastos niya sa pelikula.

Sa mga costume pa lamang na talagang ginawa para magmukhang authentic Spanish colonial costume, ang mga piniling lokasyon na binigyan ng katumbas na production design ay nagbabadya ng malaking gastos.

"I am not telling how much, it is enough to say na ito ang pinakamahal kong pelikula para sa 2006. I am not also complaining, in fact quiet lang ako habang sino-shoot ang movie dahil nakita ko naman ang effort ng aking Most Outstanding Director Mark Reyes to make the film beautiful," sabi ng chikadorang produ na muling ginamit sa movie ang paborito niyang loveteam, sina Mark Herras at Jennylyn Mercado, bilang Cholo and Meagan na kung saan nag-reincarnate ang characters nila Crisanto (Dingdong Dantes ) at Milagros (Iza Calzado).

Para sa movie, kinailangang mag-undergo ng training sa horseback riding sina Dingdong, Iza at Bobby Andrew, kumuha naman ng Spanish lessons sina Dingdong at Bobby, at pinag-muay Thai si Mark.

Included in the cast ang nagbabalik-pelikulang si Cheska Iñigo na humaharap muli sa camera pagkaraan ng mahigit sa 10 taon. Second movie naman ito ni Arthur Salinap. Kasama rin sa cast si Paw Diaz.
* * *
Napaka-swerte ni Makisig Morales na na-discover via Little Big Star Season 1 na kung saan lumabas siyang pinaka-sikat na finalist. Siya ang napili ng ABS-CBN para maging bida sa pinakabagong serye nilang Super Inggo na mapapanood na sa buwang ito.

More than his singing talent, mayro’ng nakita ang ABS CBN na ispesyal sa kanya.

"He has endearing qualities, something which people can easily relate to," ani ABS CBN VP Enrico Santos na siyang tumatayong businesss head para sa nasabing palabas.

Obvious naman talaga ang pagiging friendly ni Makisig. Halos lahat nang makita niya, niyayakap nito, closest ito kay Sam Concepcion na tinatawag niyang kuya. Si Sam ang gumaganap ng Boy Bawang sa Super Inggo.

Katulad ng character na ginagampanan niya, masipag, mabuti ang puso at mapagmahal si Makisig, kaya naman sa kanya napunta ang role ni Super Inggo.
* * *
E-mail: veronica@philstar.net.ph

Show comments