Katulad ng dati, karenyoso pa rin si Robin sa kanyang leading lady. Wala namang angal si Regine sa magandang trato sa kanya ni Robin dahil sanay na ito sa aktor. Ang maganda sa kanilang tambalan, kahit sobrang sweet nila, walang intriga. Talagang trabaho lang ang kanilang ginagawa.
Tutal naman, gusto nang mag-comeback ni Gretchen sa showbiz, at pumapayag naman siyang lumabas sa TV o sa pelikula basta bat malapit sa kanya ang mga makakasama niya. Bakit nga hindi subukan ni Gretchen na magkaroon ng sarili niyang programa o sa Channel 5? Kung hosting din lang naman ang pag-uusapan ay hindi pahuhuli si Gretchen. Hasang-hasa din naman siya sa pag-arte kung sakaling magkakaroon siya ng sariling soap sa ABC-5.
Malay natin baka pagbalik ni Gretchen galing US at matapos ang kanilang pelikula na gagawin nila na ala-Desperate Housewives ang tema ay makapag-decide na itong mag-isip ng sarili niyang show sa kanilang TV network.
Ganunpaman, hindi nangangahulugan na mawawala na rin si Jean sa Kapuso network pagkatapos ng Majika. Anuman ang bagong programa na maisipan ng GMA-7 ay tiyak na hindi mawawala si Jean.
Pero habang naghihintay pa ng ibang project si Jean, busy naman ito sa kanyang parlor diyan sa Balete drive. Kapag wala siyang showbiz commitment ay nandun si Jean sa kanyang parlor at nag-aaral din kung paano mag-ayos.
Naitanong ko rin kung bakit nahihilig siya sa kontrabida roles. Ayon sa aktor, gusto raw niya dahil challenging ito. Kaya huwag kayong magugulat sa pagbabago ng kanyang image sa Captain Barbell kung saan siya magpapakitang gilas sa pagiging kontrabida.
Sana, mabigyan din siya ng movie sa GMA Films upang maipagpatuloy at maipamalas pa ni Patrick ang kanyang kahusayan sa pag-arte.
Si Patrick ang una kong binigyan ng German Moreno Youth Achievement Award dahil na rin sa kahusayan nito sa akting. Sa hindi pa nakakaalam ay pinsang buo ni Patrick sina Sharmaine Arnaiz at Bunny Paras na parehong di kalibreng artista.