Singer/actress, balik-showbiz dahil sa rich papa
July 31, 2006 | 12:00am
Kahit di magtrabaho ang singer-actress na ito ay kaya siyang buhayin ng kanyang madatung na papa. Nanamlay kasi ang career nito nang manganak pero ngayon ay nagbabalik-showbiz at baka iprodyus pa ng album ng kanyang papa.
Kayang-kaya ng kanyang lover na magprodyus ng pelikula o TV show ayon sa dating manager ng singer-actress.
Naging guest kami sa Hokus Pokus nina Rey Pumaloy at Jun Lalin kung saan tatanungin namin ang mga artista ng programa ng mga questions, answerable ng yes or no dahil isasalang sila sa lie detector test (guest from Crame) para malaman kung hindi sila nagsisinungaling.
Isa sa mga tanong kay Rufa Mae Quinto ay kung mag-on ba sila ni Erik Santos, sinabi nitong "Oo". Matapos ang sitcom, idinagdag nito na masaya siya sa piling ng nobyo at hindi naaasiwa kapag pinagdududahan ang gender ng kanyang bf na singer.
Kaya naman blooming ang aktres ngayon na may ipalalabas na movie sa Agosto 16 titled Oh! My Ghost! under OctoArts Films.
Idol ni Marvin Agustin si Rufa Mae Quinto pagdating sa komedi kaya nang malamang siya (Rufa Mae) ang makakatambal nito sa Oh! My Ghost! ay natuwa siya.
Sabi nga nito, "Tamang-tama ang pelikulang ito para sa akin. Pagkatapos ng Kutob ay light project naman muna. Gusto kong tatawa nang tatawa ang mga manonood. Tapos ang leading lady ko pa ay si Rufa Mae, okay talaga," sabi ni Marvin.
Four years na nang magtambal sila sa Super B.
Kahit nanalo ng trophy si Marvin sa Kutob last year, aminado ang aktor na malakas pa rin ang panghatak ng comedy sa kanya.
Sa kabilang banda, sinabi ni Marvin na gusto niyang sundan ang yapak ni Vic Sotto pagdating sa pagpapatawa dahil malinis ang style ng komedi nito.
"Sana maging katulad din ako ni Bossing Vic Sotto balang araw at sinabi naman ni Boss Orly na gagawa ako ng komedi films kaya excited na ako sa mga nakalinyang pelikula sa akin ng OctoArts," dagdag pa ng aktor.
Ngayon pa lang ay inaabangan na ang maaksyong pelikula ng taon, ang Miami Vice na tinatampukan nina Colin Farrell at Jamie Foxx na palabas na sa Agosto 2.
Si Colin Farrell na hinangaan sa War Zone at si Jamie Foxx na naging Academy Award winner noong 2004 at nanalo rin sa Oscar dahil sa makatotohanang pagganap bilang Ray Charles sa Ray.
Ang dalawang aktor na gumanap sa Miami Vice ay nag-undergo pa ng extensive training at simulations ng mga undercover officers ng mga taong papasukin ang mapanganib na mundo ng trafficking.
Sina Farrell at Foxx bilang Miami Vice Cops ay magkasangga para buwagin ang isang higanteng sindikato ng krimen.
Pumirma na ng two-year exclusive contract sa Siete si Alfred Vargas kaya naman ratsada ang career nito ngayon. Bukod sa programang Ang Pagbabago ay gagawin niya ang pelikulang Zsazsa Zaturnnah ng Regal Entertainment.
Lumalabas din ito sa I Love NY at excited na sakaling matuloy ang Now and Forever na gagawin sa Malaysia. Magkakaroon siya ng Malaysian leading lady sa nasabing proyekto.
Kayang-kaya ng kanyang lover na magprodyus ng pelikula o TV show ayon sa dating manager ng singer-actress.
Isa sa mga tanong kay Rufa Mae Quinto ay kung mag-on ba sila ni Erik Santos, sinabi nitong "Oo". Matapos ang sitcom, idinagdag nito na masaya siya sa piling ng nobyo at hindi naaasiwa kapag pinagdududahan ang gender ng kanyang bf na singer.
Kaya naman blooming ang aktres ngayon na may ipalalabas na movie sa Agosto 16 titled Oh! My Ghost! under OctoArts Films.
Sabi nga nito, "Tamang-tama ang pelikulang ito para sa akin. Pagkatapos ng Kutob ay light project naman muna. Gusto kong tatawa nang tatawa ang mga manonood. Tapos ang leading lady ko pa ay si Rufa Mae, okay talaga," sabi ni Marvin.
Four years na nang magtambal sila sa Super B.
Kahit nanalo ng trophy si Marvin sa Kutob last year, aminado ang aktor na malakas pa rin ang panghatak ng comedy sa kanya.
Sa kabilang banda, sinabi ni Marvin na gusto niyang sundan ang yapak ni Vic Sotto pagdating sa pagpapatawa dahil malinis ang style ng komedi nito.
"Sana maging katulad din ako ni Bossing Vic Sotto balang araw at sinabi naman ni Boss Orly na gagawa ako ng komedi films kaya excited na ako sa mga nakalinyang pelikula sa akin ng OctoArts," dagdag pa ng aktor.
Si Colin Farrell na hinangaan sa War Zone at si Jamie Foxx na naging Academy Award winner noong 2004 at nanalo rin sa Oscar dahil sa makatotohanang pagganap bilang Ray Charles sa Ray.
Ang dalawang aktor na gumanap sa Miami Vice ay nag-undergo pa ng extensive training at simulations ng mga undercover officers ng mga taong papasukin ang mapanganib na mundo ng trafficking.
Sina Farrell at Foxx bilang Miami Vice Cops ay magkasangga para buwagin ang isang higanteng sindikato ng krimen.
Lumalabas din ito sa I Love NY at excited na sakaling matuloy ang Now and Forever na gagawin sa Malaysia. Magkakaroon siya ng Malaysian leading lady sa nasabing proyekto.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended