Regalo ni Jomari, di pa tinatanggal ni Ara sa bahay niya

Ang birthday concert ni Ogie Alcasid billed Komikonsiyerto sa August 5 sa Aliw Theater ang last guesting muna ni Rufa Mae Quinto sa mga concert habang hindi naipapalabas ang Oh, My Ghost! ng OctoArts Films. Gusto nitong mag-concentrate sa pagpo-promote nito’t sila ni Marvin Agustin ang magdadala sa pelikula na showing sa August 16. Ngayon lang uli magbibida ang sexy actress at kailangan daw niyang mag-effort para kumita ito.

Bukod sa six minutes special effects, gustong ipaalam ni Rufa Mae na maganda ang kanilang pelikula kahit nahirapan siya sa rape scene. Nagkapasa-pasa siya lalo na sa eksena nila ni Carlos Agassi dahil puro muscles ito’t may suot pa na relos at kung anu-anong bakal. Walang rehearsal ang eksena para mas makatotohanan ang dating. Naloka lang ito’t ang first rape scene niya ay horror-comedy movie pa.

Si Tony Reyes ang director ng pelikula, the same director ng blockbuster hit na Ispiritista ang wish ni Rufa Mae ay, lumebel ang kita ng Oh, My Ghost! para masaya raw ang lahat. Maganda rin daw motivation ito para sa Metro Manila Film Festival entry ng Virgin Films na Short Time na sila rin ni Marvin ang bida.

Samantala, ibinuking ni Marvin ang madalas na pagdalaw ni Erik Santos sa shooting nila. Pero sabi ni Rufa Mae, twice lang itong bumisita at ‘di nagtagal. Nag-celebrate ang dalawa ng kanilang first monthsary last July 13.
* * *
Hindi naman siguro pagseselosan ni Polo Ravales na kahit girlfriend na niya si Ara Mina, may gamit pa rin ito sa kanyang bahay na regalo ni Jomari Yllana. Kwento ni Julie Bonifacio na nag-pictorial sa bahay ng actress sa Commonwealth, Quezon City, naka-display sa sala ang lamp shade na bigay ni Jomari noong may relasyon pa sila ni Ara. 

Itinuro raw ni Ara ang regalong ‘yun ni Jomari nang pumunta sa bahay niya si Julie Bonifacio para i-pictorial ang kanyang bahay. Nakita namin ang mga kuha ni Julie at itinuro kung saang parte ng bahay ni Ara nakalagay ang lamp shade.

Siguradong nakita na rin ni Polo ang regalo ni Jomari kay Ara ‘pag dumadalaw siya sa bahay ng gf. Pero, matagal ng break sina Ara at Jomari at pareho nang naka-move on at may bago na ngang pag-ibig kaya walang rason para magselos si Polo o si Pops Fernandez na nali-link kay Jomari ngayon.

Nakita pala naming magkasamang nanood ng PussyCat Dolls concert sa Araneta Coliseum sina Ara at Polo last Friday. Malapit na silang magkasama sa Majika dahil papasok ang actress sa ‘di pa namin alam na role.
* * *
Magkasama sa concert ng Black Eyed Peas noong June 27 sa Araneta Coliseum sina Keanna Reeves at Andrew Wolfe. Kahit nakatayo sila’t wala nang maupuan sa rami ng tao, bale-wala sa kanila’t basta magkatabi sila.

Show comments