^

PSN Showbiz

Pinoy ang Most Outstanding Ballet School in Asia

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Gaya nang inaasahan, nabigyan ng parangal ang Shirley Halili Cruz School of Ballet bilang official representative ng Pilipinas sa Asia Pacific Dance Competition bilang The Most Outstanding Ballet School in Asia Pacific. Ang school ni Shirley ang 6th time "Grand Slam Winner" sa nasabing kompetisyon.

Naging guest of honor si Ambassador Belen Anota at Consul General Lumen Isleta sa awarding ceremony at final night of competition na idinaos sa Overseas Family School sa Patersons Road sa Singapore.

Ang artistic team of Philippine delegation ay binubuo ng Artistic Director na si Shirley Halili Cruz at ballet teachers na sina Grace Geralde, Anna Tuazon-Balmadrid at Anna Kathrina Halili-Cruz.
Ipe, Hinahanap Ni Deborah Sun
Nakakwentuhan ko ang isang taong malapit kay Deborah Sun at sinabi ng dating aktres na nakakulong ngayon sa Correctional for Women na gusto niyang makita at makausap ang kapatid na si Phillip Salvador. Miss na miss na raw nito ang aktor na isa nang preacher ngayon.

Ayon pa sa aktres, malaki ang maitutulong ng kapatid sa kanya bilang pastor tungo sa kanyang pagbabago.

Nakikiusap si Deborah na sanay dalawin naman siya ng kanyang Kuya Ipe sa bilangguan.
Dance Album Ni BJ Tolits, Gold Na
Natutuwa kami kay BJ "Tolits" Forbes dahil ang kanyang dance album na "Hey! Oh! Cappuccino" ay nakatanggap na ng gold record award.

Patuloy na tumataas ang sales nito at baka maging platinum na. Kahit na-confine ito sandali sa ospital dahil sa overfatigue ay kinakitaan pa rin ito ng pagiging propesyonal dahil abala sa pagpo-promote ng dance album sa mga mall tours.

Marami nang tagahanga si BJ mula sa ibang bansa na dumarayo sa Eat Bulaga para lang siya makita.
"Supernova," Bagong Bansag Kay Champagne
Naging malaking tagumpay ang show ni Champagne Morales na idinaos sa Tavern On The Square noong July 25 kung saan punumpuno ang venue. Ipinarinig ng magandang singer ang kanyang original composition ng rock alternative songs sa saliw ng kanyang bandang Skin.

Naroon ang mga taga-Genesis sa pangunguna ni Angeli Pangilinan na manager ni Champagne. Hindi na mga standard songs ang kanyang inaawit kundi yung rock alternative sound kung saan madalas itong maimbitahan sa mga piling clubs kasama ang banda niya.

Kung matatandaan, sumali ito at nanalo sa gulang na 15 sa GMA 7’s Metro Pop. Nagrecord na rin ito ng kanyang sariling album.

Naging ALIW Best New Female Artist din si Champagne at ngayon ay nahahasa na rin sa pagiging isang magaling ng TV host.
Nanghahada Ng Baguhang Aktor Sa Set Si Direk
Naikwento ng aking source na dati ring director na may masamang bisyo pala ang kakilala niyang director na sana ay makakasama niya sa isang pelikula.

Tatawagin natin ang unang director na si A at si B naman ang ikalawang director. Nang makita ni B na maraming gwapong baguhang aktor sa kanilang pelikula ay inginunguso niya kay A kung sino ang type niya sa mga ito. Pagkatapos ay uutusan niya si A kung sino ang hahadahin niya sa syuting kapag hatinggabi na. Hindi nagustuhan ni A ang masamang ginagawa ni B kaya bumaba ang pagtingin nito sa kanya.

Si Direk B ay director ng independent films.

vuukle comment

AMBASSADOR BELEN ANOTA

ANGELI PANGILINAN

ANNA KATHRINA HALILI-CRUZ

ANNA TUAZON-BALMADRID

ARTISTIC DIRECTOR

ASIA PACIFIC

ASIA PACIFIC DANCE COMPETITION

CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with