Likas na kay Rufa Mae ang pagiging workaholic at itoy dahil na rin sa kanyang pagiging bread winner sa kanyang pamilya. Kung anuman ang kanyang narating ngayon ay dahil na rin sa kanyang pagiging matiyaga at masipag at pagmamahal sa trabaho.
Tatlo ang kanyang regular TV show ngayon sa GMA-7, ang long-running at top-rating gag show na Bubble Gang, at Hokus Pokus kung saan niya katambal si Sen. Bong Revilla at Captain Barbell. Matapos siyang mapanood sa hit movie na Ako Legal Wife, matutunghayan naman siya sa kanyang kauna-unahang horror-comedy film na Oh My Ghost na pinagtatambalan nila ni Marvin Agustin kasama sina Paolo Contis, Carlos Agassi, Uma Khouny, Jose Manalo, Sugar at Bianca King mula sa panulat at direksiyon ng box office director na si Tony Y. Reyes.
Ang pelikulang Oh My Ghost ay memorable para kay Rufa Mae dahil ito ang kanyang kauna-unahang pelikula sa bakuran ng OctoArts at first time din niyang makatrabaho si Direk Tony Reyes.
Nang magkita kami ni Phillip Salvador ay very proud na nagkukuwento siya tungkol sa pamangkin. Nagkatrabaho kasi ang mag-tiyo sa isang episde ng Maaalala Mo Kaya kamakailan lang.
Sa pamamagitan ni Maja ay unti-unti na namang naibabangon ang pangalan ng mga Salvador lalo pat inactive na sa showbiz ang ibang miyembro ng mga Salvador. Si Ipe naman ay bihira ring gumawa ng pelikula at madalang din siyang mapanood sa telebisyon habang ang pinsan ni Maja na si Jobelle ay naka-base na sa Japan.
Si Maja ay anak ng dating aktor na si Ross Rival (na kapatid ni Ipe) at half-sister ng yumaong young actor na si John Hernandez.
Pinsan bale ni Maja ang kaisa-isang anak ni Kris Aquino na si Joshua na ang ama naman ay si Phillip Salvador.
Pinaghahandaan na ngayon ni Ritchie Paul ang kanyang debut album at siya rin mismo ang nagku-compose ng mga awitin na mapapaloob nito sa ilalim ng Iced Out Productions na pag-aari mismo ni Richard Gutierrez.
Ngayong gabi ay isa si Ritchie Paul sa mga guest performers sa back-to-back live concert nina Pops Fernandez at Ogie Alcasid, ang Two of a Kind na gaganapin sa Dusit Hotel Nikko sa Makati City. Kasama rin si Gladys Guevarra sa special guest ng dalawa na ididirek ni Al Quinn at produced ng Royale Era Productions.