"Hindi ito totoo!" ang may pagkabiglang sabi ni
Jen Rosendahl nang kunan namin siya ng pahayag tungkol sa bali-balitang iiwan na niya ang
Viva dahilan sa walang nabibigay ito sa kanyang solo projects.
"Kung walang
Viva, wala ring Jen Rosendahl. At saka may mga assignments naman ako. Di nga ako bida sa
Reyna na pinagbibidahan ni
Keanna Reeves pero, maganda ang role ko rito. Ako yung beauty queen na palaging tumatalo sa kanya," aniya.
Inaabangan na rin ang bagong video ng
Viva Hot Babes na kung saan ay nag-topless si Jen.
Itatampok na rin sa
Magpakailanman ang istorya ng kanyang buhay.
Unti-unti nang napapansin ang kahusayan ni
Marc Velasco di lamang sa pagtugtog ng gitara kundi maging sa folksinging. Napapanood ito Fridays at Saturdays sa
The Woodmans Head, isang British pub na matatagpuan sa P. Burgos St., sa Makati City.
Isang multi-talented artist-songwriter-musician si Marc na mayrong AB Economics degree mula sa Ateneo de Zamboanga. Nang dumating siya ng Maynila ay nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila kunsaan nagtapos din siya ng MassCom-Journalism.
Hindi natin namamalayan, pero nasa bansa pala si
Jasmine Trias ng
American idol. Katunayan, mapapanood siya ngayong hapon sa SM Sta Rosa at bukas sa SM North Edsa. Bahagi ang mga palabas ng promo ng kanyang self-titled album sa
Universal Records. na isa nang certified gold. Magkakaron siya ng show at autograph signing.
Ngayong gabi naman ang pinaka-aabangang concert ni
Sharon Cuneta para sa kanyang mga Kabalen sa Clark Expo, Angeles City, Pampanga. Pinamagatang
Megastar Sharon Cuneta Live in Pampanga, ang concert ay prodyus ng
Live Artist Production. Special guest niya si
Christian Bautista. Palabas din ngayong gabi ang
Two of a Kind ng
Royale Era Entertainment na nagtatampok kina
Pops Fernandez at
Ogie Alcasid kasama sina
Gladys Guevarra at
Ritchie Paul Gutierrez. Mapapanood ito sa Dusit Hotel Nikko Makati, 7NG dinner at 9NG showtime. Sponsor ang GMA, Calayan, Bench, Onecard at Don Henricos. Tumawag sa 7272534/7272536/09198191389 para sa tiket.