Maraming nagulat sa muling pagbabalik ng reyna sa TV dahil nga maraming beses nang inalok ito, pero iisa parati ang sagot niya, "NO".
Kaya naman ang unang tanong sa kanya ay kung paano siya na-pursuade ni Ms. Kitchie Benedicto para lumabas sa TV muli.
"Actually, hindi na ako kailangang i-pursuade pa dahil nung malaman ko na makakasama ko sina Dolphy na una kong nakasama sa pelikulang Boksingero at si Maricel (Soriano) sa Inday, Inday sa Balitaw, ano pa ba ang kailangan kong isagot kundi oo na?
"Follower ako ng John en Marsha for 17 years. Hesitant lang ako nung una na tanggapin ang project, dahil baka hindi ko maibigay yung hinihingi ng role at saka kung matatanggap ba ako ng followers ng John en Marsha?
"So, I really felt nervous and excited sa project na ito, lalo na yung gagampanan kong role na mala-Doña Delilah na mataray at totoong tao. So lahat yun naisip ko, until we had our first taping day, masaya naman, isang family kami talaga," kwento ni Ms. Susan Roces.
Bukod don, its about time raw na muli na siyang tumawa o magsaya, hindi na lang daw puro problema ang iniisip niya o kung anu-ano.
Huwag isnabin ang En sa John En Shirley dahil kay Ms. Susan pala iyon bilang si Encarnacion na biyenan ni Marya na tila sa kanya nabuhay si Doña Delilah na nagsasabing, "John, magsumikap ka" in a subtle way nga lang kasi nga mag-balae sila ni Dolphy sa nabanggit na TV series.
Naalarma raw kasi sa isyu ang mga bossing ng mga programang kasama si Phoemela dahil hindi raw maganda yun for her image at kailangan daw protektahan siya kaya kailangan niyang magpaliwanag tungkol dito.
Hindi palang namin naamoy kung aaminin ba o idi-deny ni Phoemela ang isyu at sana hindi dahil marami siyang footages na nakunan habang umiinom at maging nung tipsy na siya!
Kaya naman pala mega-deny siyang nagda-drugs siya dahil hindi naman pala drugs ang kinahuhumalingan niya kundi alak? REGGEE BONOAN