"Magi-enjoy ang lahat ng manonood dahil bukod sa marami akong song and dance numbers, magkakaron din kami ng showdown dito ni Aiai. Kilala nyo naman ang Comedy Concert Queen, di siya patatalo," ani Vina na humanga kay Aiai dahil minsan lamang niya itong inimbita na sumama sa kanyang concert pero, pumayag agad ito.
Tungkol naman sa kanyang secret admirer na pinagdududahan ng marami dahil hindi niya maibigay ang pangalan o ang description nito dahil "Di ko talaga siya kilala," sabi niya.
Ayon sa isang source ay isang kabataang doktor ito, isang Pinoy na isa nang American citizen at cardiology ang ispesyalidad nito. Inaayos nito ang kanyang sked para madalaw niya si Vina sa Disyembre at tuloy ay makapagpakilala na rito at pormal na sabihin ang kanyang damdamin kay Vina.
Bagaman at excited si Vina, galit pa rin ito dahil nga sa di nito pagpapakilala sa kanya. Meanwhile, kahit wala siyang boyfriend ngayon ay di naman ibig sabihin ay wala siyang lovelife.
"Lumalabas ako, nakikipag-date pero ayaw ko ng commitment. Siguro kapag nakita ko na ang tamang lalaki para sa akin, saka na lang ako magsi-seryoso," sabi niya.
Due to insistent public demand, mapapanood muli ang tambalang Jose/Alyssa sa Zirkoh Greenhills ngayong gabi sa palabas na pinamagatang Amboys vs Amgirls. Ka-join sa show sina Jimmy Santos at ang "crying girl" ng EB na si Sugar Mercado. Pwedeng tumawag sa 0917-8109394.