Kitang-kita namin na panay ang hawak niya sa mga kamay ni Toni sa ilalim ng mesa at nanlalamig daw siya, kaya naman si Toni ay panay ang kalma sa kanyang closet boyfriend.
Yes, closet boyfriend ang term na ginamit namin kay Sam dahil itinatanggi siya ni Toni at the same time ay sumusunod lang si Sam sa mga sinasabi naman ng kanyang lady love.
Hindi namin alam kung ano ang pumipigil sa dalawa para umamin sila pero nung bluntly naming tinanong sina Sam at Toni kung pareho ba nilang mahal ang isat isa ay natigilan sila at napatitig sa bawat isa at tila nag-aapuhap ng isasagot.
Say ni Toni, "I dont wanna spoil whatever we have inside, ayaw naming pangunahan, just let it be na lang."
At si Sam ay umaayon lang sa mga paliwanag ng kanyang ka-loveteam.
Sa August 30 ang showing ng Youre The One at sa August 29 ang premiere night sa SM Megamall.
Sabi nga, sinira ni Tetay ang sarili niyang box office record na Feng Shui na naka-P130M sa larangan ng horror film na idinirek din ni Chito Roño.
Swerte nga ni Kris ngayong taon dahil halos lahat ng hiniling niya ay ibinigay sa kanya, ipinanalangin niya ang MVP award ng asawang si James Yap at nakamit naman, bonus pa na nag-champion ang Purefoods over Red Bull.
Sa presscon ng Sukob ay inamin din niyang abut-abot uli ang panalangin niya para kumita ang movie nila ni Claudine at huwag umulan ng malakas at sana may pera ang mga tao, muling ibinigay sa actress/tv host ang kahilingan niya.
At least bago pansamantalang iiwan ni Mrs. Yap ang movie career niya ay nakapagtala naman siya ng box office record. Ngayong araw naman ang lipad ng grupo nina Tetay at Claudine with their husbands at some Star Cinema staff para dumalo sa world premiere ng Sukob sa Los Angeles, USA.
Tinawag nila itong Huge celebration dahil live telecast sila sa 19 countries around the globe na isang malaking hamon daw para sa bumubuo ng UNTV 37.
Sa Marikina Sports Complex ang venue ng event at sa studio ng UNTV 37 sa may New Manila na magsisimula ng alas 4NU at magtatapos ng 12NH.
Magkakaroon ng medical missions sa 14 remote provinces sa buong Pilipinas na mapapanood din ng live sa Linggo sa pamamagitan ng mga programang Pilipinas, Gising Ka Na Ba, Bahala na si Tulfo, Kakampi Mo Ang Batas, Kaagapay Mo, Public Hearing at Kami Naman.
At sa balitang showbiz ay nagkakatawanan naman ang mga katotong Pete Ampoloquio at Peter Ledesma dahil sa programa nilang Chica Ko, Chica Mo lahat daw ng ibina-blind items ng mga kasamahan nila sa panulat ay pinapangalanan nila sa kanilang programa.
"Kaya kung libelous ang blind items ninyo, bago kami habulin, kayo muna kasi pini-pick up lang namin sa inyo no?" katwiran ng magkatukayo.
So far ay hindi pa raw sila nabibigyan ng TRO ng MTRCB dahil kung meron daw dapat bigyan ay yung programa muna ni Ben Tulfo na walang pakundangang bumira sa mga kilalang opisyal ng gobyerno at mga kilalang businessman.
Maging ang programa rin daw nina Atty. Batas at Marissa Mauricio ay walang takot na inilalahad ang mga katiwalian sa gobyerno.
Sabi nga nila, "Hindi namin habol ang ratings at kita, ang habol namin ay mailabas ang tunay na saloobin ng mga naapi at ng mga katiwalian sa lipunan, kaya nga "In Service To Humanity-Worldwide" ang tagline ng UNTV 37, eh," katwiran naman ng director nilang si Angelito de Guzman. REGGEE BONOAN