Umiinom ng alak kahit sa oras ng trabaho?
July 26, 2006 | 12:00am
As of this writing ay hindi pa gaanong ayos ang staff ng SOP Gigsters at hosts ng programa at balitang kung hindi sila magkakasundo ay malamang na tsugihin na ito sa SOP.
Nabanggit sa amin ng taga-SOP na nagkaroon ng open forum among the staff at hosts ng SOP Gigsters dahil sa mga indifferences nila.
Nagpalitan ng hindi magagandang salita kayat nairita ang pinaka-bossing ng programa at idiniretso ang gulo sa top executive ng GMA-7 na nagpatawag agad ng meeting.
Nabanggit nga na kung hindi rin lang magkaka-ayos ay tanggalin na lang ang Gigsters tutal ay tsugi na naman ang katapat nitong Fanatics ng ABS-CBN.
Dagdag pa na maski saang anggulo tingnan ay mali ang hosts ng Gigsters kaya ang mataray na ina ng isa sa mga hosts ay humingi ng dispensa sa top executive ng network dahil mainit lang ang ulo ng kanyang anak dahil pressured ito sa trabaho at maraming iniisip.
Okey naman ang top executive, ang hindi lang namin knows ay kung okey na ang mga staff na iritable pa rin sa mga ginawa sa kanila.
Aware kaya si Phoemela Baranda na kapag hindi niya binago ang working attitude niya ay anytime puwede siyang mawala as segment host ng The Buzz at entertainment host ng TV Patrol World?
Marami kaming reklamong naririnig tungkol kay Phoem (palayaw ni Phoemela) tungkol sa pagiging alcoholic niya at nasasabay pa ito kapag may coverage siya.
Perfect example raw nung victory party ni Manny Pacquiao na ginanap sa isang restaurant kung saan napakaraming alak.
Hindi raw napigilan ni Phoemela ang uminom na nung una ay okey lang kasi party, pero hindi ini-expect ng mga nakakita na tungga to death ang ginawa ng nabanggit na tv host hanggang sa maging tipsy na raw ito.
"Hindi pwedeng idinay ni Phoem na hindi siya uminom kasi maraming nakakita," say ng aming source na taga-TV Patrol World.
"Okey lang uminom siya, pero hindi sa oras ng trabaho dahil paano siya makakapag-interview ng maayos kung nakainom siya? At saka hindi magandang tingnan pag ganun," sundot naman ng isa pang katrabaho ni Phoem.
Samantala, binanggit sina Say Alonzo at Bianca Gonzales na puwedeng pumalit kay Phoemela kapag hindi raw siya nagpakatino sa trabaho niya.
"Nabigyan na siya ng 2nd chance dito sa ABS, sana pag-igihan na lang niya, saan pa siya dadamputin pag nawala siya rito?" dagdag pa ng ka-tsika naming taga-Dos.
Sayang at hindi nakarating si Sen. Kiko Pangilinan sa launching ng La Mesa Grill Cuisine sa Mall of Asia last week, pinatatanong namin sa isang kasamahan sa hanapbuhay kung naghahanda na ba itong bagong bukas na restaurant business nila ng mga kasamang Enrico Dee at Mike Sicat dahil plano na ni Kiko na umalis sa Senado?
Isinusulong kasi ngayon ang Charter Change at pag nanalo ito, tiyak na maa-abolish ang Senado at saan pupunta ang hubby ni Sharon Cuneta, eh, di balik siya sa kanyang law firm.
Sabagay, Kapampangan si Kiko at well-known ang mga Kapampangan na magaling magluto, ewan lang kung marunong ang magiting na Senador mangusina.
Anyway, base sa mga pagkaing inihahain sa La Mesa Grill ay pawang nao-order na ito sa mga ibang Filipino restaurant, nagkakatalo lang sa timpla at production design, lalo ang pinatayong manok, dahil talagang nilagyan ng stand para makatayo, huh! At bestseller daw nila ang crispichon nila na bagong kinababaliwan ngayon ng mga Pinoy. REGGEE BONOAN
Nabanggit sa amin ng taga-SOP na nagkaroon ng open forum among the staff at hosts ng SOP Gigsters dahil sa mga indifferences nila.
Nagpalitan ng hindi magagandang salita kayat nairita ang pinaka-bossing ng programa at idiniretso ang gulo sa top executive ng GMA-7 na nagpatawag agad ng meeting.
Nabanggit nga na kung hindi rin lang magkaka-ayos ay tanggalin na lang ang Gigsters tutal ay tsugi na naman ang katapat nitong Fanatics ng ABS-CBN.
Dagdag pa na maski saang anggulo tingnan ay mali ang hosts ng Gigsters kaya ang mataray na ina ng isa sa mga hosts ay humingi ng dispensa sa top executive ng network dahil mainit lang ang ulo ng kanyang anak dahil pressured ito sa trabaho at maraming iniisip.
Okey naman ang top executive, ang hindi lang namin knows ay kung okey na ang mga staff na iritable pa rin sa mga ginawa sa kanila.
Marami kaming reklamong naririnig tungkol kay Phoem (palayaw ni Phoemela) tungkol sa pagiging alcoholic niya at nasasabay pa ito kapag may coverage siya.
Perfect example raw nung victory party ni Manny Pacquiao na ginanap sa isang restaurant kung saan napakaraming alak.
Hindi raw napigilan ni Phoemela ang uminom na nung una ay okey lang kasi party, pero hindi ini-expect ng mga nakakita na tungga to death ang ginawa ng nabanggit na tv host hanggang sa maging tipsy na raw ito.
"Hindi pwedeng idinay ni Phoem na hindi siya uminom kasi maraming nakakita," say ng aming source na taga-TV Patrol World.
"Okey lang uminom siya, pero hindi sa oras ng trabaho dahil paano siya makakapag-interview ng maayos kung nakainom siya? At saka hindi magandang tingnan pag ganun," sundot naman ng isa pang katrabaho ni Phoem.
Samantala, binanggit sina Say Alonzo at Bianca Gonzales na puwedeng pumalit kay Phoemela kapag hindi raw siya nagpakatino sa trabaho niya.
"Nabigyan na siya ng 2nd chance dito sa ABS, sana pag-igihan na lang niya, saan pa siya dadamputin pag nawala siya rito?" dagdag pa ng ka-tsika naming taga-Dos.
Isinusulong kasi ngayon ang Charter Change at pag nanalo ito, tiyak na maa-abolish ang Senado at saan pupunta ang hubby ni Sharon Cuneta, eh, di balik siya sa kanyang law firm.
Sabagay, Kapampangan si Kiko at well-known ang mga Kapampangan na magaling magluto, ewan lang kung marunong ang magiting na Senador mangusina.
Anyway, base sa mga pagkaing inihahain sa La Mesa Grill ay pawang nao-order na ito sa mga ibang Filipino restaurant, nagkakatalo lang sa timpla at production design, lalo ang pinatayong manok, dahil talagang nilagyan ng stand para makatayo, huh! At bestseller daw nila ang crispichon nila na bagong kinababaliwan ngayon ng mga Pinoy. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended