Mom ni Rica, boto kay Piolo!
July 26, 2006 | 12:00am
Nali-link ngayon sina Rica Peralejo at Piolo Pascual. Nakausap ko si Mommy Alice (ina ng magandang aktres) at sinabing kung magiging mag-on ang dalawa ay magiging happy siya dahil napatunayan na niya kung gaano kabait si Piolo sa kanyang anak.
"Magalang din ito sa akin at never ko pang nakitang naging arogante. Napaka-down-to-earth din nito. Kahit sinong ina ay magiging pabor kay Piolo na maging karelasyon ng kanilang anak."
Sa kabilang banda higit na sexy at maganda ngayon si Rica kung saan magiging abala ito sa kanyang promosyon ng bagong released na CD "Bollywood Fever" mula sa Galaxy Records at CAPS Traxx. Lagi itong crowd drawer sa kanyang "Bollywood Fever" showcases na nagtala ng attendance at sales records. Lahat ng stocks ng CDs ay laging sold out sa bawat mall engagement nito.
Second year na sa UP Open University si Chynna Ortaleza sa kursong Associate in Arts with specialization in Mass Communication (Broadcasting) kung saan paborito niya si Mel Tiangco at iba pa.
Sila pa rin ni Railey Valeroso at pareho silang second year sa college at desididong magtapos ng kurso.
Tatlong taon na silang magkarelasyon at compatible sa maraming bagay.
Excited na si Chynna bilang anak ni Lorna Tolentino sa Now and Forever 6, Linlang. Bida-kontrabida ang role nito balang si Jane. "Pangarap kong magkamit ng award baling araw at okey lang kung mabigyan ako ng character role bastat markado ito at maganda ang proyekto," aniya.
Magaling ding dancer si Chynna at gusto rin niyang makilala sa larangang ito.
May tatalo pa ba kay Jack Black pagdating sa comedy? Sa bago niyang pelikula, Nacho Libre, sasakit na naman ang tiyan mo sa katatawa. Kusinero si Jack dito pero, naisip niyang maging isang wrestler, gumamit siya ng asul na mascara para hindi siya makilala.
Kung nagustuhan ninyo si Jack Black sa School of Rock, mas kagigiliwan ninyo ang pagiging komikero niya rito sa Nacho Libre, na mula sa Paramount Pictures. Ipinamamahagi ito sa Pilipinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment.
Sa taong ito, ang Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino, ABS-CBN at UGAT Foundation ay iginawad kay teacher Juanita Arguel na 33 years sa regular school at 24 years bilang SPED-HI teacher na kinakitaan ng kabaitan, kasipagan at pagiging matiyaga sa pagtuturo sa special education students. Nagbibigay ito ng remedial classes sa mga regular student na walang perang ipambabayad. Nakikipag-ugnayan din ito sa UST Hospital para sa regular hearing evaluation ng mga bata.
"Magalang din ito sa akin at never ko pang nakitang naging arogante. Napaka-down-to-earth din nito. Kahit sinong ina ay magiging pabor kay Piolo na maging karelasyon ng kanilang anak."
Sa kabilang banda higit na sexy at maganda ngayon si Rica kung saan magiging abala ito sa kanyang promosyon ng bagong released na CD "Bollywood Fever" mula sa Galaxy Records at CAPS Traxx. Lagi itong crowd drawer sa kanyang "Bollywood Fever" showcases na nagtala ng attendance at sales records. Lahat ng stocks ng CDs ay laging sold out sa bawat mall engagement nito.
Sila pa rin ni Railey Valeroso at pareho silang second year sa college at desididong magtapos ng kurso.
Tatlong taon na silang magkarelasyon at compatible sa maraming bagay.
Excited na si Chynna bilang anak ni Lorna Tolentino sa Now and Forever 6, Linlang. Bida-kontrabida ang role nito balang si Jane. "Pangarap kong magkamit ng award baling araw at okey lang kung mabigyan ako ng character role bastat markado ito at maganda ang proyekto," aniya.
Magaling ding dancer si Chynna at gusto rin niyang makilala sa larangang ito.
Kung nagustuhan ninyo si Jack Black sa School of Rock, mas kagigiliwan ninyo ang pagiging komikero niya rito sa Nacho Libre, na mula sa Paramount Pictures. Ipinamamahagi ito sa Pilipinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended