Bagaman at marami ang nag-aakalang ang kanyang anak na si Ruffa ay nasa kandili na ng kumpanya ni Angeli Pangilinan Valenciano, ang Manila Genesis, mariin itong pinabulaanan ni Annabelle at sinabing pumasok lamang si Angeli dahil sa Church nila. "Si Ruffa sumikat dahil ako ang nagma-manage sa kanya," anito. "Wala akong galit kay Angeli, okay naman kami kaya lamang ang napupuna ko, never kong narinig na pinuri niya si Ruffa."
Sa kabila ng kanyang kasikatan at gayundin ang komersyal na ginawa niya kasama ang kambal na sina Richard at Raymund, inamin ni Annabelle na naka-take 20 siya nang gawin niya ang nasabing komersyal. "May pinapabasa kasi silang script sa akin eh bulol ako. Sabi ko ako na lang ang bahala, iso-short cut ko na lang. Okay naman lumabas yung sarili kong dialogue," pagmamalaki niya.
Masaya naman si Annabelle dahil lahat ng alaga niya ay nabibigyan niya ng trabaho. Nakakapagpasok din siya ng talents di lamang sa GMA7 kundi maging sa ABS CBN. Katunayan, ang bago niyang talent na si Antoinette Taus ay sa Dos niya ipinapasok. Gayundin si Karen delos Reyes na baka maipasok niya sa isang serye.
Totoo rin na pinapaghintay niya ito sa dressing room hanggang sa makatapos ang kanyang interview.
"Pero, di kami gumigimik. At kailangan bang magkabalikan kami para kami magkasama? Kahit naman break na kami ay magkaibigan pa rin naman kami, may pinagsamahan na di agad namin makakalimutan. Pitong taon din ang naging relasyon namin, di ito basta-basta mawawala.
"Inimbita ko rin siya sa premiere night ng White Lady pero di siya nakapunta dahil may taping siya. Siguro kung nakita kami run mas lalo pang hahaba ang tsismis.
"Totoong break na kami at walang third party involved, siguro lang sa tagal ng aming relasyon ay kinailangan namin ng space, yun lang," paliwanag niya.