"Im glad to be alive. Hindi pa ako kinuha ni Lord," bati nito sa amin.
Pinasasalamatan ni Rudy ang asawang si Lorna Tolentino sa pag-aalaga sa kanya. Hindi raw ito umaalis sa kanyang tabi maliban na lang kung matutulog ito. Thankful din siya sa mga anak at ibang members ng kanyang pamilya at mga kaibigan lalo na sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada at Philip Salvador. Pasalamat din ito kay Gretchen Barretto sa pagpapadala ng pagkain at sa pagbisita nina Sharon Cuneta at Maricel Soriano.
Nasa Amerika si Rudy nang masulat ang diumanoy panghahampas ng raketa ng badminton ng daughter-in-law niyang si Melissa (wife ni Mark Anthony Fernandez) sa nakaaway nitong kalaro ng badminton kaya, walang alam at hindi nag-comment. Pero, tiniyak nitong mabait si Melissa. Natutuwa rin siyang makakasal na sa simbahan sina Mark at Melissa sa tulong ni Sen. Lito Lapid.
May alam kaming big project sa TV na kino-consider kunin si Lovi. Tiyak na makakatulong sa kanya kung matuloy siya rito at mukhang interesado ang dalaga kung maa-assure siya na di maaapektuhan ang kanyang pag-aaral.
Kaya lang, hindi rin kami naliwanagan sa sinabi ni Angelit may kalabuan. Ang naintindihan lang namin ay sinabi raw ng Ch. 7 na anytime na lang na ready si Heart to work with them ay open sila. Eh, hindi nga ito magiging ready dahil walang balak iwan ang Ch. 2.
Binanggit din ni Angeli na yung meeting nila ni Wilma Galvante na nakita ay para kay Donita Rose at sa pagre-renew nito ng kontrata sa Mobile Kusina.
Walang kumokontra sa pagkakapili kay Sunshine Dizon to play Bakekang dahil alam na nito ang mabibigat na eksena. Pati ang press, excited malaman kung pangit din ito sa istorya at kung gagawing fantaserye ang treatment sa project.
May mga concerned din na sana raw ay magpapayat si Sunshine bago simulan ang taping dahil mas kapani-paniwala siyang si Bakekang kung payat. Napapansin kasing tumaba na naman ito sa Captain Barbell. Gusto naming ipaalam na nagsimula nang mag-diet at magpapayat ang dalaga kaya, payat itong haharap sa kamera sa taping ng Bakekang.