^

PSN Showbiz

Gary V., mag-aaral ng Music Production sa Amerika

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Successful ang ginanap na opening ng Cinemalaya (Philippine Film Festival 2006) last Monday night sa Cultural Center of the Philippines. Kung last year, hindi gaanong tinao ang Cinemalaya, this year dumagsa ang maraming interesado sa pelikula — indie producers, directors, writers, film critics, estudyante at indie film observers.

Opening film ang Kubrador starring Gina Pareño, produced by MLR Films owned by Atty. Joji Antonio.

Simultaneous ang showing ng pelikula sa Main Theater and Little Theater sa CCP. Kasama sa mga nanood sina Diether Ocampo and Kristine Hermosa, Sunshine Cruz and Cesar Montano.

No doubt na magaling talagang artista si Ms. Gina at na-justify niya ang character ni Amy na isang kubrador ng jueteng.

Anyway, right after the Cinemalaya, nakatanggap agad si Atty. Joji ng e-mail from Maria Hatzakoud, programmer kung saan officially inviting Kubrador to Thessaloniki’s (Greece) Independence Days Section on November 7-26. "God is really good," say ni Atty. Joji in a text message.

Anyway, going back to Cinemalaya, 18 independent digital films ang magko-compete sa 2006 Cinemalaya na magtatapos sa July 23.

Eight films are battling sa full length category — Ang Huling Araw ng Linggo, Batad: Sa Paang Pilay, Donsol, Da Red Corner, Mudraks, Rotonda, Saan Nagtatago si Happiness and Tulad ng Dati.

Sampu naman ang nagko-compete sa short film category. These are 10:25 ng Gabi, Gee-Gee at Waterina, Kwarto, Labada, Passport Needed, Orasyon, Parang Pelikula, Putot, Puwang and Sa Silaw.

Umabot sa 232 ang nag-submit for exhibition pero namili sila ng short list of 15 at hanggang na-cut down sa 8 para sa full length-category. Samantalang sa short film ay 108 ang nagpadala ng entries at sampu ang napili.

Lahat ng finalists sa full length category ay tatanggap ng P500,000 seed money grant mula sa Cinemalaya Foundation Inc. samantalang P100,000 sa short film category.

Layunin ng Cinemalaya na maka-discover, encourage and honor the cinematic works ng Filipino filmmakers and seeks to invigorate the Philippine film industry para maka-develop ng new breed of Filipino filmmakers.

Kasama sa isinasagawang Cinemalaya 2006 ang Cinemalaya Film Congress starting today hanggang tomorrow sa CCP Little Theater. I-explore sa nasabing Film Congress ang iba’t ibang issues and aspects ng independent filmmaking sa bansa. Theme ng congress ang Back To the Future: The State and Prospects of the Independent Film.

By the way, P100 ang regular prize at P50.00 sa mga students ang mga pelikulang palabas sa Cinemalaya.
* * *
Narinig na ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang album ni Jericho Rosales na very open sa pagsasabing gusto niyang mag-ala Gary Valenciano. Say ni Gary, considering na wala itong background sa music pero impressed siya at hindi niya alam na may ganun palang talent ang actor na nagi-exist.

Na-realize din niyang masyadong malalim na tao si Jericho.

Anyway, wala sa plano ni Gary V. na iwan ang programang ASAP although may plano siyang mag-aral sa Amerika - sa Music Institute of Technology sa Amerika ng Music Production at oras na magkaroon na siya ng sapat na knowledge, magtatayo siya ng eskuwelahan sa bansa. Nai-imagine na ni Gary ang nasabing plano niya after ng kanyang schooling sa Amerika.

Sa rami kasi pala ng eskuwelahan sa bansa, walang kursong Music Production na matagal na niyang gustong pag-aralan. Hindi pa siya decided kung crash course or normal schooling ang gagawin niya.

Bulung-bulungan kasi sa showbiz na aalis na siya sa ASAP dahil na-penetrate na ang programa ng mga bagets. Iilan na lang kasi silang mga senior sa ASAP na natitira.

Not true ang issue. At lalong walang connection ang issue kina Heart Evangelista and Jericho. May sitsit din kasing kaya aalis si Gary ay dahil nai-imbyerna na siya sa dalawa na malimit siyang naiinis dahil nadadamay siya sa issue.

He denies all the intrigues. Wala raw ‘yun. Choice niya ang mag-aral sa Amerika na matagal na niyang gustong gawin.

Pero magpapabalik-balik naman siya sa bansa. Wala pang definite kung kelan siya magi-start ng school.

At kung may pagkakataon na hindi siya mapapanood sa ASAP, ‘yun ay dahil meron siyang concert tour sa Amerika.

Besides, ayaw ding pumayag ng mga boss ng ABS-CBN na tuluyang mawala si Mr. Pure Energy sa nasabing noontime show.

Nang kausapin ng misis ni Gary sila Ms. Charo Santos-Concio, nagkaroon sila ng unwritten agreement na hindi aalis ng programa si Mr. Pure Energy.

Naging issue din ang sinabi niya sa isang show sa Cebu na goodbye showbiz na siya at magma-migrate na sila sa Amerika. Although totoong mauunang manirahan sa Amerika ang mga anak nila ni Ms. Angeli.

At kung hindi man natuloy ang comeback movie niya, ‘yun ay dahil nagkaroon ng problema sa script. Itutuloy pa rin nila ‘yun, kailangan pa nga rin lang nilang ayusin ang script. Father’s day presentation supposedly ang nasabing movie.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

AMERIKA

ANG HULING ARAW

BACK TO THE FUTURE

CINEMALAYA

FILM

GARY VALENCIANO

MR. PURE ENERGY

MUSIC PRODUCTION

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with