Marumi ang kinakain ng mga Pinoy?!!!

Napanood ko nung Martes ng gabi sa programa ng GMA7 (Reporter’s Notebook) kung paano ginagawa ang patis sa Navotas. Di ko nakayanan, diring-diring ako, di ko tinapos, inilipat ko ang palabas.

Bagaman at matagal na akong di gumagamit ng patis sa aking pagkain o pagluluto dahil ipinagbawal ng aking doktor, ginagamit pa rin itong sawsawan sa bahay ko. Yun pala, ganun karumi ang paggawa nito. Pwera na lamang dun sa isang brand na talagang sinertipay na malinis ng network. From now on, dun na lang ako sa ipinakitang brand, ayaw ko na yung walang brand na kesyo ispesyal daw.

Di nakapagtataka kung bakit ang daming sakit na kumakalat, dahil salaula ang maraming gumagawa ng ating kinakain. Ang baboy at manok, double dead, ang mga gulay kung saan-saan lang itinatanim, pati bigas at prutas.

Nakita ko nga yung kalamansi at kamatis na hinuhugasan o pinupunasan ng gaas para kumintab, o yung paggawa ng butong pakwan, bagoong, at maging yung dirty ice cream na talaga palang dirty, at pati na taho na dati di raw nabubuo kapag madumi pero di na ngayon.

Tila mas safe tayo sa mga pagkaing pinoproseso ng mga malalaking kumpanya, sori na lang dun sa mga independent producers o yung maliliit na entrepreneur dahil wala silang kakayahang gawing malinis ang kanilang produkto.

Dapat din sigurong kalampagin natin ang ating BFAD,DTI ang ating health inspector o health department na dapat manigurong malinis ang mga produktong inilalabas sa market. It seems masyado silang nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin, tapos tayo naman ang napipinsala.

I’m sure di kinakain ng mga gumagawa yung mga marurumi nilang patis, ice cream at iba pang produkto. I’m sure bumibili sila sa iba.

Sayang ang mga ipinasasahod natin sa ating mga ahensya ng gobyerno kung di nila tayo napapangalagaan at wala silang ginagawa kundi ang magpayaman!!!
* * *
Ang swerte-swerte naman ni JC de Vera. Siya ang may pinaka-magandang role sa White Lady ng Regal na nagkaro’n ng premiere showing nung Martes ng gabi sa SM Cinemas ng Megamall. Mas magandang di hamak ang role niya kay Angelica Panganiban o maski na kay Pauleen Luna na mas bida ang role kesa kay Angelica.

Offbeat ang role ni JC. Nakakainis pero malaking tulong sa kanyang career. I’m sure very proud sa kanya ang manager niyang si Annabelle Rama. Okay din sana si Iwa Moto pero, mas magaling mag-deliver ng English dialogue sa kanya si Katarina Perez.

Parehong ma-boobsy sina Angelica at Pauleen pero mas marunong si Angelica na di ma-emphasize ang kanyang boobs sa pamamagitan ng pagsusuot ng medyo maluwang na damit unlike Pauleen na panay fitted ang isinusuot, tuloy lalong nae-emphasize ang kanyang bumpers na nakaka-distract sa mga manonood at nakakadagdag ng malaki sa kanyang edad.
* * *
Sponsor pala ang GMA7 sa ginaganap na Cinemalaya: Philippine Independent Film Festival and Competition (July 17-23). Ginawa nila itong parang tulong sa mga independent producers at bigyan parangal ang cinematic efforts ng mga Filipino filmmakers na ang 10 finalists ay kasalukuyan nang ini-screen sa CCP. Bibigyan ng awards ang Best Full Length Feature Film at Best Short Feature Film sa awards night nito sa July 23.
* * *
Ewan ko pero parang nabuhay muli sa I Luv NY ang tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Maraming manonood ang kinikilig sa kanilang performances.

Balik na si Polly (Jolina) this week sa Pinas. Magkikita sila ni Albert (Marvin) na bumalik na rin ng bansa.

Naiwan naman sa NY si Natalie (Jennylyn Mercado) at Baste (Mark Herras). Nasa bahay pa rin silang dalawa ni Baste na kung saan nakikita ni Natalie ang closeness ng pamilya ni Baste. Darating ang tatay niya (Tirso Cruz lll) para siya bawiin.
* * *
Habang hindi siya busy, mag-aaral ng piano at voice si Heart Evangelista. Pipili na rin siya ng mga materyal para sa gagawin niyang album.

Sa kabila ng sinasabing disgusto sa pagitan nila at ng ABS CBN dahilan sa iniwan niya ito in favor of Genesis na siyang nagmamaneho ng kanyang career ngayon. Mapapanood sila ni Jericho Rosales sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong July 21. Kinabukasan, finals naman ng Close-Up To Fame na kung saan ay isa siya sa mga hosts. VJ pa rin siya ng MYX, limang taon na niyang ginagawa ito.
* * *
E-mail: veronica@philstar.net.ph

Show comments