Samantala, sa katatapos na tagumpay ni Manny sa boxing, malaki naman ang panghihinayang ko sa sinapit ng movie ni Jericho Rosales na Pacquiao The Movie. Naniniwala ako kung nung after ng laban ni Manny ay nag-ikot siya sa mga sinehan, tiyak na malaki pa ang isinulong ng kanilang pelikula. O kahit man lang ipinalabas ang movie pagkatapos ng laban. Alam naman natin na napakainit ni Manny pagkatapos ng laban. Malaki sana ang naitulong ni Manny sa kanilang pelikula kung namasyal siya sa mga sinehan.
Pero ganunpaman, naniniwala ako na muling makakabawi si Jericho lalo na ngayong nasa poder na siya ng Genesis kasama si Heart Evangelista. At kahit marami silang intrigang kinakaharap, nalalampasan nila ito. Ganyan naman talaga ang showbiz, mas marami kang sinasabi, mas hahaba pa ang kwento. Kaya tama lang na manahimik na lang sila Jericho at Heart at lilipas din ang mga intriga.
Bilang ama-amahan nila sa showbiz, lagi kong sinasabi na maliit lang ang ating mundo. Kaya kailangan nating mag-usap at magkaroon ng respeto sa kapwa natin artista, magbigayan, mag-unawaan at laging ituon ang isip sa trabaho para lahat ay maging maayos at masaya.
Katulad nila Jennylyn Mercado at Mark Herras na siyang tatanggap ng German Moreno Youth Achievement Award. Nangsgaling pa sila ng Davao at nagmamadali silang humabol mula sa kanilang commitment doon tapos hindi naman pala matutuloy ang affair. Ganunpaman ay hindi na magbabago ang award para sa napiling natatanging parangal kina Jennylyn at Mark na sana ay magpatuloy pang maging inspirasyon sa hanay ng mga kabataan sa kanilang career at mga fans.
Sabagay subok na natin si Kris, nagkaroon na siya ng award sa ganitong tema ng pelikula. Maari muli siyang magka-award sa horror film na ito dahil mas maganda ang pagkaka-project niya ng takot, kaba sa pelikula nilang ito ni Claudine Barretto.