Kris, pwedeng magka-award!
July 19, 2006 | 12:00am
Isinugod sa ospital si Manny Pacquiao! Marami tuloy ang naglabasang jokes na dahilan daw ito sa marami niyang ininom mula sa ibat ibang produktong kanyang ini-endorser suka, toyo, alak at kung anu-ano pa. Ang sa akin naman, eh baka kako napapaglihian lang siya ng kanyang asawa na buntis ngayon kaya medyo sumama ang kanyang tiyan.
Samantala, sa katatapos na tagumpay ni Manny sa boxing, malaki naman ang panghihinayang ko sa sinapit ng movie ni Jericho Rosales na Pacquiao The Movie. Naniniwala ako kung nung after ng laban ni Manny ay nag-ikot siya sa mga sinehan, tiyak na malaki pa ang isinulong ng kanilang pelikula. O kahit man lang ipinalabas ang movie pagkatapos ng laban. Alam naman natin na napakainit ni Manny pagkatapos ng laban. Malaki sana ang naitulong ni Manny sa kanilang pelikula kung namasyal siya sa mga sinehan.
Pero ganunpaman, naniniwala ako na muling makakabawi si Jericho lalo na ngayong nasa poder na siya ng Genesis kasama si Heart Evangelista. At kahit marami silang intrigang kinakaharap, nalalampasan nila ito. Ganyan naman talaga ang showbiz, mas marami kang sinasabi, mas hahaba pa ang kwento. Kaya tama lang na manahimik na lang sila Jericho at Heart at lilipas din ang mga intriga.
Ganito rin ang sinasabi ko kina Dawn Zulueta at Gretchen Barretto na sa mga panahong ito na iwasan na ang hindi pagkakaunawaan. Noong panahon ng GMA Supershow, never silang nagkaroon ng alitan.
Bilang ama-amahan nila sa showbiz, lagi kong sinasabi na maliit lang ang ating mundo. Kaya kailangan nating mag-usap at magkaroon ng respeto sa kapwa natin artista, magbigayan, mag-unawaan at laging ituon ang isip sa trabaho para lahat ay maging maayos at masaya.
Nakakalungkot ang pagkakaantala ng FAMAS nung nakaraang linggo. Kung kelan naman plantsado na ang lahat, saka naman nagkaroon pa ng aberya.
Katulad nila Jennylyn Mercado at Mark Herras na siyang tatanggap ng German Moreno Youth Achievement Award. Nangsgaling pa sila ng Davao at nagmamadali silang humabol mula sa kanilang commitment doon tapos hindi naman pala matutuloy ang affair. Ganunpaman ay hindi na magbabago ang award para sa napiling natatanging parangal kina Jennylyn at Mark na sana ay magpatuloy pang maging inspirasyon sa hanay ng mga kabataan sa kanilang career at mga fans.
Ang ganda ng teaser na ipinakikita sa pelikulang Sukob. Magaling ang pagkaka-akting ni Kris Aquino kung saan kitang-kita mo talaga ang tamang emosyon na hinihingi ng kanyang role.
Sabagay subok na natin si Kris, nagkaroon na siya ng award sa ganitong tema ng pelikula. Maari muli siyang magka-award sa horror film na ito dahil mas maganda ang pagkaka-project niya ng takot, kaba sa pelikula nilang ito ni Claudine Barretto.
Samantala, sa katatapos na tagumpay ni Manny sa boxing, malaki naman ang panghihinayang ko sa sinapit ng movie ni Jericho Rosales na Pacquiao The Movie. Naniniwala ako kung nung after ng laban ni Manny ay nag-ikot siya sa mga sinehan, tiyak na malaki pa ang isinulong ng kanilang pelikula. O kahit man lang ipinalabas ang movie pagkatapos ng laban. Alam naman natin na napakainit ni Manny pagkatapos ng laban. Malaki sana ang naitulong ni Manny sa kanilang pelikula kung namasyal siya sa mga sinehan.
Pero ganunpaman, naniniwala ako na muling makakabawi si Jericho lalo na ngayong nasa poder na siya ng Genesis kasama si Heart Evangelista. At kahit marami silang intrigang kinakaharap, nalalampasan nila ito. Ganyan naman talaga ang showbiz, mas marami kang sinasabi, mas hahaba pa ang kwento. Kaya tama lang na manahimik na lang sila Jericho at Heart at lilipas din ang mga intriga.
Bilang ama-amahan nila sa showbiz, lagi kong sinasabi na maliit lang ang ating mundo. Kaya kailangan nating mag-usap at magkaroon ng respeto sa kapwa natin artista, magbigayan, mag-unawaan at laging ituon ang isip sa trabaho para lahat ay maging maayos at masaya.
Katulad nila Jennylyn Mercado at Mark Herras na siyang tatanggap ng German Moreno Youth Achievement Award. Nangsgaling pa sila ng Davao at nagmamadali silang humabol mula sa kanilang commitment doon tapos hindi naman pala matutuloy ang affair. Ganunpaman ay hindi na magbabago ang award para sa napiling natatanging parangal kina Jennylyn at Mark na sana ay magpatuloy pang maging inspirasyon sa hanay ng mga kabataan sa kanilang career at mga fans.
Sabagay subok na natin si Kris, nagkaroon na siya ng award sa ganitong tema ng pelikula. Maari muli siyang magka-award sa horror film na ito dahil mas maganda ang pagkaka-project niya ng takot, kaba sa pelikula nilang ito ni Claudine Barretto.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended