Napokus ang atensyon ni Imelda sa maraming lumalapit sa kanya para humingi ng tulong. At dahil hindi maganda ang takbo ng local entertainment sa bansa, lalo na ang pelikula, alam niya ang hirap na pinagdaraanan nila.
Bago niya ito nagawa, lumapit sa kanya sina Atty. Emil Ong at Architect Nesty Isla para sa isang fundraising project ng Rotary Club International District 3780. Marami itong proyekto para rin sa mga mahihirap kaya hindi niya napahindian. Pero, isusunod agad niya ang proyekto niya para sa mga movie reporters.
Ang konsyerto ng Rotary Club International District 3780 ay nakatakdang ganapin sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel sa Agosto 1. Pinamagatan itong Dream Come True at magtatampok din sa dating DILG Secretary at senador na si Joey Lina, kasalukuyang namumuno ng Manila Hotel na kung saan ay gaganapin ang konsyerto. Nangako itong di lamang kakanta kundi sasabayan pa si Imelda sa mga dance number nito. Ang concert ay ididirek ni Angie Magbanua.
Di naman nagdedmahan ang mga artista, civil sila sa isat isa pero, sina Sugar at Tess Bomb, walang pakialam, kain lang sila nang kain.
Pinamagatang Komikonsyerto, prodyus ito ng MLHuillier at magtatampok kay Ogie bilang performer, hitmaker at comedian.
Bukas, sa Studio 23, mapapanood si Ogie sa MYX Live kasama si Regine Velasquez. Kakantahin niya ang ilang cuts from his "Lumilipad" album mula sa Viva Records. May duet sila ni Regine sa album, ang "Di Ko Na Kayang Masaktan Pa" na kakantahin nila sa MYX.
Aapir sa Komikonsyerto ang mga barkada niya sa Bubble Gang (Michael V, Wendell Ramos, Francine Prieto at Rufa Mae Quinto) at gayundin si Lovi at ang Maneouvers.