Minsan, nagkaroon ng exhibit sa college of Fine Arts sa UP at nagyaya si Jay sa kanyang apat na kaibigan na mag-perform for that event. Nagkataon na nandun din si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar na isa ring Fine Arts student that time, na kaibigan din ng grupo. Mula noon, niyaya na sila ni Chito na mag-front act sa mga show ng Parokya.
Hanggang nagtuluy-tuloy na ang Kamikazee at nakilala sila sa mga original songs nilang "Chicks Chiclog," "Shoot That Ball," "Sobrang Init," "Last Kiss," "Girlfriend," "Yung Tagalog," at ang hit nilang kantang "Narda".
Habang nagbabanda ay tuloy sa pag-aaral at paggawa ng thesis ang dalawa sa myembro na sina Jomal at Jason na naka-graduate kahit inaabot pa sila ng madaling araw sa kanilang mga gigs.
"Lagi ko ngang sinasabi sa mga kabataan na tapusin ang pag-aaral nila. Kasi puwede palang pagsabayin ang banda at pag-aaral. Disiplina lang ang kailangan dahil nagawa nila Jomal at Jason. Uwi agad sila after ng show namin. Hindi sila gumigimik," paliwanag ni Jay na umaasa pang magkakaroon din siya ng diploma kapag nakahanap siya ng pagkakataong makabalik sa UP.
Batang Valenzuela ang soloist ng banda na si Jay, pero ngayon ay nagso-solo na siya sa isang apartment sa QC. Nakakabayad na raw siya ng mga utang (sabay tawa). At nakakatulong na siya ng konti sa kanyang pamilya. Isang housewife ang mother nito at production manager ng Seiko Wallet ang father niya.
Ang isa pang hilig ni Jay bukod sa pagbabanda ay photography. Nag-iipon pa siya ng maraming material para sa kanyang solo exhibit. Isa pang expression ng arts ni Jay ay ang tattoo sa kanyang katawan na pawang mga oriental Japanese ang effect.
Tulad ng dragon mask sa likod nito, at dalawang warrios sa kanyang kaliwat kanang hita, sun and moon sa kanang braso. Kaso kinuyog na kami ng mga tao nung hinubad na ni Jay ang kanyang damit at ipinakita na nito ang kanyang tattoo sa katawan. Kahit ang apat na myembro ng Kamikazee ay tadtad din ng mga tattoo sa kanilang katawan.
"Tingin ng mga tao mukha kaming addict. Una dahil marami kaming rock songs, meron kaming tattoo, at makulit kami sa show. Masaya na nakikita naming natutuwa sila sa mga kanta namin," sabi ni Jay na minsan ay inabutan ng shabu nang matapos ang gig nila sa isang probinsiya. Pero ipinaliwanag niya sa nagbigay na hindi sila gumagamit ng drugs. Pagkatapos ay tinawag ni Jay ang organizer ng show at isinurender niya ang shabu.
Ngayon busy ang Kamikazee sa kanilang latest single na "Martyr Nyber" kasunod ng gold record award ng kanta nilang "Narda".