Ang kanyang musika ngayon ay malayo sa mga theater songs nito noong siyay bata pa o kayay ang mga nai-record na ballads noong siyay bagets. Nagsimula itong makinig sa rock music at bumuo ng sariling banda na tinawag niyang Skin sa tulong ng producer na si Al Albert.
"The name Skin embodies the raw aspect of their sound and Skins music displays a knack for melody, with hooks that leave the songs stuck in your head," aniya.
Ang mga original compositions na inaawit ngayon ni Champagne ay nagsasaad ng pagiging magaling nitong artist at songwriter.
Lagi ngayong nagiging guest si Gladys at ang kanyang anak sa mga shows sa Siete. Hindi kami magtataka na kapag lumaki-laki lang ito ay baka kunin itong endorser.
Kaya lang, nakakalungkot isipin na nagrereklamo ang aktres dahil hindi man lang nalagay sa billing o poster ang kanyang pangalan. Pakiramdam niya ay hindi nabigyang halaga ang kanyang partisipasyon sa pelikula.
Kung tutuusin, mas markado pa nga siya kaysa sa mga lumabas na apo ni Gloria Romero. Tanging si Michelle Madrigal lang ang lumutang ang akting.
Maganda naman ang working relationship ng dalawa at sinabi ni JR na malaki ang improvement ngayon ni Mark sa pag-arte.
"Tutal bata pa naman si Mark at marami pang pagkakataon para mahasa sa pag-arte kapag sineryoso ang akting," aniya.
Hindi lang magaling na aktor si JR kundi mahusay ding singer. Kasama ito sa second album ng Crystal Voice of Asia na si Marri Nallos.
Marami ang nakapuna na bumata ngayon si JR matapos magbawas ng timbang.
Napuna nila na super payat nito at tuyot na tuyot ang balat.
Parang naniniwala sa balita ang mga naroong bisitang reporters na nagugumon ito sa ipinagbabawal na gamot.
Ang ganda-ganda nun at seksing seksi ng aktres pero ngayon ay nagmukha itong matanda.