Pinaka-excited sa lahat si Rhian Ramos na gaganap sa role na Michie dahil first movie niya ito. Gusto niya ang gagampanang role ni Michie, isang super kikay na pink ang favorite color. Patterned kay Reese Witherspoon sa Legally Blonde ang kanyang role.
Hindi expected ng dalagita na ang Captain Barbell ang magiging daan para gumawa siya ng pelikula. Ayaw pala nitong ikwento ang mangyayari sa CB this week basta, panoorin daw dahil meatier ang kanyang mga eksena. Ibinalita rin nitong extended sila for one month dahil sa halip na October, November na magtatapos ang Super Pinoy Hero.
Matagal nang nire-request ng Malaysian fans nito na makita siya ng personal at matutupad ito dahil tutungo ng Malaysia ang dalaga sa last week ng July. Isang Malaysian producer ang magdadala sa kanya at mag-o-organize ng Meet & Greet.
Pag-uusapan din ang gagawin niyang recording ng Bahasa version ng Sanay Wala Nang Wakas dahil alam na singer siya. Gusto sana ng producer na magdala si Angelika ng CD pero, wala itong bagong album dahil nagka-demandahan pa nga kaya maraming litrato na lang ang dadalhin niya.
Plano rin ng producer na gumawa ng magasin na puro pictures ng actress ang ilalagay. Lalo pang sisikat sa Malaysia si Angelika pag ipinalabas ang Bituing Walang Ningning kung saan, ginagampanan niya ang role ni Laviña, kontrabida kay Sarah Geronimo.
Nagsalita na uli ito ng tapos na pag hindi natuloy o napunta sa iba ang inaayos na project para sa kanya, lilipat na talaga siya sa Siete. Tiyak lang kaming muli siyang haharangin.