Last week ng July o first week ng August ang taping ng Bakekang na sabiy magkatulong na ididirek nina Gil Tejada at Khryss Adalia. Deserving si Sunshine sa big break na ibinigay sa kanya at dahil sa bagong project, malamang alisin na siya sa Captain Barbell.
Kasama sa cast si Sheryl pero, di pa namin alam ang role. May pagbabago rin sa ibang pangalan ng mga artistang nasulat na kasali sa teleserye at saka na namin isusulat ang tungkol dito pag kumpirmado na.
Si Wendell Ramos daw ang makakapareha ni Sunshine at di na sila maiilang dahil magkasama sila sa Bahay Mo Ba To.
Sana sa presscon, kasamang haharap sa press si Carlo Caparas. Aalamin lang namin kung totoo ang tsikang bukod sa talent fee, bibigyan din siya ng time slot sa QTV 11 kapalit nang pagbibigay niya sa Bakekang sa Ch. 7.
Tinukso sila ng press dahil pagdating ni LJ, agad nagbeso-beso. Sayang at di narinig ng dalaga ang sunud-sunod na pagkanta ng love songs ni Alfred pero, nag-duet sila sa "When I Met You." Ang hula namin, theme song nila ang kanta ng APO dahil nag-emote sila habang kumakantat panay ang titigan.
Kundi pa on, obvious na may MU na ang dalawa sa nakita naming kilos nila. Naloka si LJ nang hanapan namin ng singsing at para saan daw yun at ang green Ann Taylor bag na pasalubong sa kanya ng actor. Kitang proud sa kanya si Alfred dahil nang may magtanong kung saan nag-aaral si LJ, sinabing freshman sa La Salle.
Tinakot si LJ ng press na siya ang sunod kina Jackie Rice at Iwa Moto na isususpendi ng GMA-7 dahil sa pagkaka-link kay Alfred, baka masira ang loveteam nila ni Mike Tan. Ang sagot, iba ang trabaho sa personal. Ibinalita na tuloy nitong sila ni Mike ang magkaka-tuluyan sa I Luv NY dahil babalik ng Pinas ang binatat makikita siya. Mai-in love si Jero (Mike) kay Ponyang (LJ) na isang tomboy.
Nang makausap sa presscon ng White Lady ng Regal, ang nomination pa lang sa Urian ang alam nito. Excited at kinakabahan na itot di alam ang gagawin dahil first acting nomination at kahit di manaloy masaya na siya. Madodoble ang pagka-ngarag nitot dalawa na ang acting nomination sa pelikulang lagi siyang nagmumura.
Sa White Lady naman, isa siya sa mang-aapi kay Angelica Panganiban at siya rin ang unang matsutsugi sa magkakabarkada.
Sa July 19 na ang showing nito at bukas July 18, Red Carpet premiere sa SM Megamall.
Umalis naman sina Natalie (Jennylyn Mercado) at Baste (Mark Herras) sa bahay ng huli pero, bumalik din. Nakita ni Natalie na kahit mahirap ay nagmamahalan ang pamilya nina Baste kaya lang, problema nila na di makahanap ng trabaho si Baste at darating ang tatay ni Natalie na si Edward (Tirso Cruz III) para bawiin ang anak.