PBA player, stalker ni Nancy?

Patuloy pa rin ang 8th year anniversary celebrations ng S-Files kaya marami pa ring iba’t ibang pakulo, mga hot issues at interviews ng ilang showbiz personalities, sina Pia Guanio, Paolo Bediones, Richard Gomez and Joey Marquez.

Muling sinuyo ni Jeremy Marquez si Alessandra de Rossi. PBA player na si Mac Mac Cardona, umano’y stalker ni Nancy Castiglione. Andrew Wolfe at Keanna Reeves, nagkakamabutihan. Si Robin Padilla, live tungkol sa training camp sa Tagaytay City. Si Teri Onor magkikita sila ni Richard Gomez, ano kaya ang kanilang magiging reaction sa isa’t isa?

Ibinibenta ng mag-asawang Bong Alvarez at Almira Muhlach ang kanilang bahay at lupa at mga ari-arian dahil ready na silang mag-migrate sa USA. Nanliligaw nga ba si Cogie Domingo kay Lovi Poe? Nakita silang muling magkasamang nanonood ng Pirates of the Caribbean after na magkasama sila sa Star Awards.

Sasagutin na ni Gladys Guevarra si K. Brosas regarding sa di natuloy ang show nila dahil ayaw ni Gladys.

Kaso ni Konsehala Aiko Melendez versus Alana Lopez, dismiss na raw.

Maga-apologize daw ang isang sikat na komedyana sa nakabanggang aktor mismo sa set ng isang popular na sitcom. At sino ang bagong Kapuso na galing sa Kapamilya na sa lalong madaling panahon ay mapapanood na?

Lahat nang mga issues na ito ay sabay-sabay na sasagutin sa S-Files, GMA 7. – LGC

Show comments