Natutuwa ito sa magandang pagpapalaking ginawa ng kanyang amang si Sen. Lito Lapid at sinabing walang Batas Militar sa kanilang bahay.
Malaya silang nakakapagpahayag ng kanilang damdamin kapag may ipinatutupad ang kanilang magulang lalo na pagdating sa pagdidisiplina.
"Hindi naman laging masusunod sina Papa at Mama sa gusto nila dahil nakikinig sila sa aming magkakapatid kapag may gusto kaming sabihin sa kanila. Open naman kami sa isat isa kaya walang problema sa aming magandang pagsasamahan ng buong pamilya," paliwanag ni Gob. Mark.
Hindi pinangarap ni Gob. Mark na maging military man gaya nang inilalarawan nito sa pelikulang Batas Militar na palabas na ngayon.
"Ang pangit ko kasing sumigaw kaya humingi ako ng tulong kay Direk Jeff Tan, kung pwede ay limitahan na lang ang pagsigaw ko. Ipinakita ko naman sa aking facial expression ang pagkatakot sa mga eksenang naghihiganti si Angelica," sey nito.
Sa kabilang banda, nag-enjoy siya habang nagsusyuting sa UP, Los Baños dahil kahit magdamagan ang syuting ay di sila nakaradam ng pagod. Para silang isang pamilya kung saan nag-bonding silang lahat.
"Mabit din si Direk at cool lang siya. Nakikinig siya kapag may suggestions kami," ani Pauleen.
Nahirapan siya sa mga eksena sa Sukob at naniniwala siya na totoo nga ang kasabihan na kapag nagsukob sa kasal ang magkapatid ay nagbubunga ng hindi maganda.
Saludo sa kanya si Direk Chito Roño dahil matalino itong aktres at kapag dumating sa set ay preparado na.
"Hindi kasi siya wise gaya ng nakarelasyong mga aktor ng mayamang gay. Hindi niya pinalagay sa kanyang pangalan ang sasakyan. Kaya nang maghiwalay sila ay binawi ang magarang sasakyan. Wala namang magawa ang aktor dahil hindi nakarehistro sa kanya ang sasakyan," dagdag ng source ko.