Ayaw maniwala ng press na may sakit ito pero, totoo palang indisposed nang mag-text sa kaibigang reporter na two weeks na siyang may trangkaso. Hindi raw siya gumagaling dahil walang nag-aalaga sa kanya na ayaw naming paniwalaan dahil may Yexel Sebastian siya.
Itinanggi ni Iwang suspended siya pero, hindi masagot kung bakit ilang linggo na siyang di napapanood sa Nuts Entertainment at Posh sa QTV 11.
Tinanong namin si Gian Carlos sa suspension nina Iwa at Jackie pero, wala raw siyang alam. Natawa ito nang sabihin naming mabuti pa ang press alam kung ano ang nangyari sa dalawa.
Showing na sa July 19 ang White Lady at sa July 18 ang red carpet premiere sa SM Megamall. Be there at sumama sa mga unang makakapanood ng horror movie ni Direk Jeff Tan.
Ayon kay Marco, may legal siyang trabaho at di na kailangang magpahada sa mga bading para lang magka-pera. Masaya na raw siya sa talent fee niya sa Season 11 ng Love to Love at Ganda ng Lola Ko sa QTV 11.
Per project ang kontrata ni Marco sa GMA7 at kaya siya lumipat dahil maganda ang offer ng network at wala naman siyang regular show sa ABS-CBN. Sinubukan daw niya at masaya siya dahil nagkaroon siya ng chance to work with Ch.7 talents gaya nina Ciara Sotto, Paolo Ballesteros at Valerie Concepion sa Best Friends episode ng L2L.
Incidentally, nagkikita paminsan-minsan sina Marco at ex-girlfriend niyang si Isabel Oli at ang pinakahuliy nang mag-guest sila sa Sis pero, di sila nag-usap.
"Sana, maging friends kami uli. Sobrang awkward at pangit na nagde-dedmahan kami pag nagkikita. Okey kami ni Paolo (Contis) at nag-uusap kami sa Ganda ng Lola Ko pero, di namin napag-uusapan si Isabel," tsika ni Marco.
"Im almost 50 years old at sa January next year, Golden Girl na ako. Im so proud of my age at kahit matanda na tayo, may showbiz career pa rin. Kinukuha pa rin ako sa magagandang pelikula gaya nito," pagmamalaki ni Hilda.
Bukod sa badminton at exercise, iniiwasan din ni Hilda ang ma-stress at less fat intake kaya, younger looking pa rin siya. Dahil pumayat, mas may stamina raw siyang magpuyat sa shooting ng pelikula ng Regal na showing sa August 30 sa direksyon ni Mark Reyes.
Ang kontrata sa network ang pumipigil sa actress na itigil ang show. Naaawa rin siya sa mga kasamang artista at staff na siguradong mawawalan ng trabaho pag nag-decide siyang talikuran ito. Mabuti kung bibigyan sila ng ibang show at di siya magi-guilty.
Kaya, hanggat makakaya at hindi naman nagrereklamo ang network sa mababang rating ng show, tuloy ang actress sa pagti-taping. Hindi lang nito maintindihan kung bakit hindi magustuhan ng viewers ang show gayong madalas silang mag-reformat.