Limang tao lamang ang tumayong godparentssina Narciso Chan ng Sony- BMG Music Corp, si Gerard Salonga, Steffi Inocentes na close friend ni Lea, Gng. Gina Vera-Perez de Venecia (na kinatawan ng isa niyang kapatid) at isa pang friend ni Lea na si Menchu Lauchengco-Yulo.
Ang baptismal gown na suot ni Nicole ay ginamit ng mommy (Lea) niya at uncle Gerard na itinago lamang ng kanyang lola Ligaya Salonga.
Habang lumalaki si Nicole ay unti-unti nang nakikita ang hawig niya sa kanyang amat ina.
Nakatakdang bumalik ng LA sina Lea, Richard at Nicole para bisitahin ang pamilya ni Richard.
Dalawang beses nang bumalik si Jobelle galing Japan at Las Vegas (kung saan ito naka-base) para sa reunion party ng mga dating young stars ng Viva Films.
Sa kanilang reunion party ay nagtatag ang grupo ng Bagets Foundation na ang layunin ay makatulong na mag-train ng mga kabataan in the performing arts na pangungunahan ni Direk Maryo J. delos Reyes bilang chairman ng foundation.
Si QC Vice Mayor Herbert ang president, si Francis ang vice-president, si Yayo corporate secretary, si Jobelle international projects coordinator habang sina Raymond, Ramon Christopher, Eula, William, at ang writer na si Jake Tordesillas ang bumbuo ng Board of Directors.
Honorary members naman sina Aga Muhlach, JC Bonnin, Douglas Quijano at Viva Films Boss Vic del Rosario.
Ang unang proyekto ng Bagets Foundation ay ang kanilang pagi-sponsor ng mga performing arts students mula edad 12 hanggang 21. Nung Bagets days, si Cheska ay 12 anyos pa lamang at si William naman ang pinakamatanda sa edad na 21. Gagawa rin ang Bagets Foundation ng mga civic projects.
Ang hindi namin naitanong kay Jobelle ay kung gagawa bang muli ang kanilang grupo ng pelikula na sila rin ang mga tampok na bituin. Bakit kaya hindi ito gawin ng Viva Films na siyang nag-produce ng Bagets 1 & 2 movies nung early 80s? Maganda sigurong sugalan ang reunion movie ng grupo na si Direk Maryo J. pa rin ang direktor. Aster Amoyo